Apat pang mga kaso ng Coronavirus disease-2019 (COVID-19) ang naidagdag sa talaan ng Lungsod ng Puerto Princesa kahapon, Dec. 30, 2020.
Sa ipinaskil na impormasyon ng City Information Department ngayong araw nakasaad ang nasabing mga bagong COVID-19 kumpirmadong kaso na ang impormasyon ay mula kay Incident Management Team (IMT) Commander, Dr. Dean L. Palanca.
Ang naturang mga pasyente ay isang babaeng local resident, 28 taong gulang at naninirahan sa Brgy. San Pedro at ngayon ay symptomatic; isang lalaking Authorized Person Outside Residence (APOR), 37 taong gulang, nagtatrabaho sa isang power provider company, at dumating sa lungsod noong Dec. 12, 2020 via aircraft (close contact); isa pa ring lalaking APOR, 61 anyos, mangingisda, at dumating sa siyudad noong Dec. 18, 2020 via aircraft; at isang babaeng Locally Stranded Individual (LSI) 24 anyos, unemployed, at dumating sa lungsod noong Dec. 18, 2020, sakay din ng eroplano.
Bunsod ng dagdag na mga kaso, sa ngayon ay umabot na sa 155 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Puerto Princesa na kung saan, ang active cases ay 18, ang mga gumaling ay 136 at isang yumao.
Discussion about this post