Dead-on-arrival sa Ospital ng Palawan ang anim na taong gulang na batang lalaki matapos na mabangga ng puting Mitshubishi Strada sa Km. 43 National Highway, Brgy.. Manalo sa Puerto Princesa, ganap na 3:30 PM, Enero 9.
Ayon sa report ng Police Station 1, ang nakabangga kinilala na si Gerald Uapal Amor, 25 anyos, mula sa Lungsod papuntang bayan ng San Vicente, Palawan nang aksidenteng nabangga nito ang bata na tumawid sa kalsada.
Kinilala ng Police Station 1 ang bata sa pangalang Prince Earl Andrie Gupio Eleazar, nakatira sa Purok Nasidoc Brgy. Manalo sa lungsod.
Dali naman dinala sa pagamutan ang bata ngunit wala na itong buhay sa tinamong pinsala sa katawan, habang ang driver ng sasakyan ay sumuko sa awtoridad.
Sinampahan na ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide ang lalaki.
Discussion about this post