PUERTO PRINCESA– Dumulog sa Palawan Provincial Police Office (PPO) ang 61 anyos na lalaki upang magreklamo kaugnay sa kanyang kapitbahay.
Ngunit bago ito makapasok sa loob ay naharang na ito ng Palawan Mobile Force Company nang dahil sa na-inspeksyong mga improvised na baril sa kanyang bag. Kinilala ito na si Romulo Ferolino Maribojoc na isang magsasaka, at residente ng Barangay Silanga sa bayan ng Taytay.
Sa report ng Puerto Princesa City Police Station 2, mga 3:00 p.m. noong Setyembre 3, magrereklamo umano ang suspek ngunit naharang siya ng mga otoridad at tiningnan ang kanyang dalang bag na ikinagulat naman ng mga nagsagawa ng inspection.
Naglalaman ang kanyang bag ng dalawang improvised shotguns, dalawang improvised shotgun barrel, anim na 12gauge shot gun ammunition, apat na improvised shot gun ammunition, tatlong pack ng isang pyrotechnic o ang Five Star na mayroon lamang 290 PCS at mga paraphernalia para sa improvised shotgun.
Ang suspek ay arestado sa paglabag sa RA 10951 o illegal possession of firearms.
Discussion about this post