ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home City News

Airlines companies, ipinatawag ng City Council

Diana Ross Medrina Cetenta by Diana Ross Medrina Cetenta
July 27, 2020
in City News
Reading Time: 3 mins read
A A
0
Airlines companies, ipinatawag ng City Council
Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Tinawag ng pansin ng Chairman ng Committee on Health ng siyudad ang pamunuan ng mga airline company  sa umano’y di pagsunod ng ilan sa napagkasunduang iskedyul ng flights ng mga nagbabalik na mga taga-lungsod ngayong panahon ng National Public Health Emergency.

Ayon sa Konsehal, napupuno na ang mga pasilidad na binabayaran ng Pamahalaang Panlungsod  at sagad na rin ang pondo ng siyudad at ngayon nga ay may dagdag na namang apat na Locally Stranded Individual (LSI) na positibo sa COVID-19. Kaya pakiusap nila sa mga bisita na kung taga-Palawan lamang ang nasa schedule ay sila lang ang isakay habang kung para sa lungsod ay tagarito lamang din ang pauuwiin.

RelatedPosts

Karagdagang fire trucks ng BFP-Puerto Princesa, tinalakay sa Konseho

Puerto Princesa extends assistance to 131 fire victims in old market

Puerto Princesa City Old Public Market, nasunog

Paglilinaw niya, hindi pinagbabawalang umuwi ang mga LSI. Ang gusto lamang umano ng local IATF ay hindi biglaan ang dating mga umuuwing tagarito upang maihanda ang mga pasilidad at hindi rin pahirap sa mga health worker na aniya’y “bugbog” na sa kasalukuyan.

Susog naman ni Vice Mayor Maria Nancy Socrates, ang nangyayari umano sa ngayon ay araw-araw na ang dating ng mga LSI at wala ng pahinga ang mga health workers.

Sa naunang napag-usapan, 120 katao lamang ang maximum na dami ng tao na ia-accomodate sa Puerto Princesa sa kada byahe na ang schedule ay kada Lunes, Martes at Miyerkoles habang ang ibang araw ay para na sa mga taga-munisipyo sa Lalawigan ng Palawan.

Ani Ventura, kaya inimbitahan ng Konseho ang mga kompanya dahil nais nilang maliwanagan kung bakit hindi iyon natutupad ng ilan. Inungkat din niyang may mga nakita pa silang larawan at video na di nasusunod ang protocol.

Nakikiusap sila sa mga pamunuan ng nasabing kompanya dahil ayaw din umano nilang magaya sa ibang lugar sa Pilipinas na pinapabalik ang eroplano sa pinanggalingan dahil sa mga di nasunod na panuntunan.

“Kung kaya ng ibang lugar ‘yan, kaya din naming gawin ‘yan,” banta pa ni Ventura.

Partikular na tinukoy ng Konseho na di sumunod noong makaraang linggo ay ang pamunuan ng Cebu Pacific. Ngunit paliwanag ng kinatawan ng kompanya na si Michelle Bio, nagkaroon lamang di pagkakaunawaan.

Nilinaw ni Bio na sa 170  sakay ng kanilang eroplano noong nakaraang linggo ay 80 katao lamang ang mga taga-lungsod habang ang natira ay mula na sa Palawan.

Base umano sa kanyang pagkaunawa, pwede naman nilang isabay ang ibang taga-lalawigan sa kanilang Monday flights basta’t makipag-ugnayan lang sa Provincial Government upang masundo nila ang kabilang mga nasasakupan na nagawa rin naman. Natanong na  rin umano ito ng commander ng Incidence Management Team (ITM) na si Assistant City Health Officer Dean Palanca sa kanila at kanila na ring naipaliwanag.

Paliwanag pa niya, noong nakaraang Huwebes  na orihinal  na schedule para sa Palawan ay may dumating na 10 na taga-lungsod sa airport  at hindi tinanggap ng kanilang airline. Ngunit may natanggap umano silang liham mula Kay Dr. Palanca na nagsasabing isabay ang nasabing mga indibidwal at kanila lamang sasalubungin.

Nagbigay ng katiyakan ang Cebu Pacific na lubos nilang sinusunod ang mga napag-usapan at nagiging mas mahigpit ngayon upang makaiwas sa pagpuslit ng mga hindi talaga residente ng lungsod at lalawigan. Ani Bio, sa pag-check pa lamang ng isang pasahero ay agad na siyang hahanapan ng medical certificate, travel authority na mula sa PNP Kung saan sila galing na lugar at anumang government issued na identification card o dokumento na magpapatunay kung sa siyudad ng Puerto Princesa siya uuwi o mll sa Lalawigan ng Palawan.

Kapwa naman siniguro ng mga kinatawan ng Philippine Airlines at AirAsia na sinusunod din ng kanilang tanggapin ang schedule at ang bilang ng pupwedeng dami ng tao na babalik sa siyudad. Sa PAL ay naka-iskedyul ang lungsod  tuwing Miyerkoles habang tuwing Biyernes naman ang Airasia.

Sa kabilang dako, hiniling  ni Kgd. Herbert Dilig sa kinatawan ng Cebu Pacific na idagdag sa kanilang sistema ang isang katanungan sa mga bibili ng ticket kung sila ay taga-Puerto o hindi. Nangako naman ang representante ng nasabing kompanya na ipararating ito sa kanilang head office upang maidagdag sa kanilang online selling system.

Tags: AirlinesLSIPuerto Princesa City Council
Share63Tweet40
ADVERTISEMENT
Previous Post

1 nadakip, tinatayang 20 pa nakatakas sa anti-illegal gambling operation ng PNP sa El Nido

Next Post

NHCP to install four historical markers in Palawan to recognize Magellan expedition route

Diana Ross Medrina Cetenta

Diana Ross Medrina Cetenta

Related Posts

Karagdagang fire trucks ng BFP-Puerto Princesa, tinalakay sa Konseho
City News

Karagdagang fire trucks ng BFP-Puerto Princesa, tinalakay sa Konseho

February 3, 2026
Puerto Princesa extends assistance to 131 fire victims in old market
City News

Puerto Princesa extends assistance to 131 fire victims in old market

February 3, 2026
Puerto Princesa City Old Public Market, nasunog
City News

Puerto Princesa City Old Public Market, nasunog

January 29, 2026
Gob. Amy Alvarez sa mga empleyado ng nakaraang administrasyon na hindi pa rin nakakasahod: ‘I signed na everything’
City News

Gob. Amy Alvarez sa mga empleyado ng nakaraang administrasyon na hindi pa rin nakakasahod: ‘I signed na everything’

January 28, 2026
Mayor Bayron greenlights ₱6,000 quarterly allowance for Puerto Princesa law enforcers
City News

Mayor Bayron greenlights ₱6,000 quarterly allowance for Puerto Princesa law enforcers

January 28, 2026
Jomari Poultry Farm
Puerto Princesa City

Poultry farm sa Brgy. Bacungan, pansamantalang ipinatigil ang operasyon

January 24, 2026
Next Post
NHCP to install four historical markers in Palawan to recognize Magellan expedition route

NHCP to install four historical markers in Palawan to recognize Magellan expedition route

Capitol, DOH to inaugurate San Vicente District Hospital

Capitol, DOH to inaugurate San Vicente District Hospital

Discussion about this post

Latest News

Why do commuters prefer motortaxis?

Why do commuters prefer motortaxis?

February 5, 2026
Karagdagang fire trucks ng BFP-Puerto Princesa, tinalakay sa Konseho

Karagdagang fire trucks ng BFP-Puerto Princesa, tinalakay sa Konseho

February 3, 2026
Puerto Princesa extends assistance to 131 fire victims in old market

Puerto Princesa extends assistance to 131 fire victims in old market

February 3, 2026
City ENRO spearheads mangroves planting during World Wetlands Day

City ENRO spearheads mangroves planting during World Wetlands Day

February 3, 2026
Puerto Princesa, nakapagtala ng sunod-sunod na pagbisita ng cruise ships nitong buwan ng Enero

Puerto Princesa, nakapagtala ng sunod-sunod na pagbisita ng cruise ships nitong buwan ng Enero

February 3, 2026

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15232 shares
    Share 6093 Tweet 3808
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11664 shares
    Share 4666 Tweet 2916
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10298 shares
    Share 4119 Tweet 2575
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    9911 shares
    Share 3964 Tweet 2478
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9731 shares
    Share 3892 Tweet 2433
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us