Nakatakdang ilabas ng Puerto Princesa City Government ang updated travel requirements para sa mga inbound travellers. Binawi kasi nila ang unang inilabas na listahan dahil may mga naisamang dokumento na hindi na kailangan.
“Chineck nga lang nila kasi medyo nawindang din kami. Naglagay kami ng mga ibang things doon na dapat na hindi kasama so pinag-usapan na yun. Actually, inaayos namin yun ngayon at ipapa-recheck namin. Although meron na kami yung sa procedural, i-e-edit pa siya ng City Legal para hindi, sabi nga natin, baka ma-technical na naman kami…” Ayon kay Dr Dean Palanca, Commander ng Puerto Princesa Incident Management Team.
Sa bago umanong travel guidelines, mas simple na lang ang proseso at kaunti na lang ang mga dokumentong kailangan ng mga pasaherong patungo sa lungsod. Ito umano ang posible nilang hingin:
- Secure a negative RT-PCR test result
- Download StaySafe personal QR code
- Validation upon arrival in Puerto Princesa City
- Health assessment by IMT medical personnel
- Antigen test schedule for surveillance and monitoring
“Doon na ilalagay namin sa baba is ‘For further details please read procedure for inbound travelers to Puerto Princesa City.’ Kasi mayroon na rin kaming procedure [at] yun mahaba yun para maintindihan talaga nila yung details. Puwedeng yan yung mga 1,2,3,4 [at] 5 na yan lang [ang] ilalagay sa advisory.”
Dagdag pa nito, ang ibang requirements ay hihingin na lamang sa mga pasahero pagdating sa lungsod. Ngunit mapapabilis ang proseso kung makikipag-ugnayan kaagad sa tanggapan ng IMT bago bumiyahe patungo sa lungsod ng Puerto Princesa.
“Kailangan lang naman talaga nila doon sa airline is RT-PCR mo na within 48 hours at saka I.D. mo. Ngayon yung other things ay hahanapin naming dito sa pagdating mo dito sa Puerto Princesa yun na lang naman.”
“Actually, ang magpapabilis lang naman sayo kung makikipag-ugnayan ka sa amin [ay] yung mga things na hahanapin sayo sa validation. Kasi optional na siya eh. It’s either makipag-coordinate ka sa amin or not sa IMT. Kapag hindi ka nakipag-coordinate minsan [ay] napapatagal yung mga things na hahanapin sayo sa validation. [Pero] kung mayroon na sa IMT [ay] ilalagay na lang namin ang name na kumpleto na yan [at] ‘pag andoon yun name niya, kahit hindi na siya dumaan sa validation [at] yung health assessment na lang yung kaniyang dadaanan. Yung mga ganun tapos actually mayroon pang consent for antigen testing.”
Samantala, hindi pa inilalabas ng Pamahalaang Panlungsod ang bagong travel protocols dahil kasalukuyan pa itong sinusuri ng City Legal. Maaari namang makipag-ugnayan sa tanggapan ng Puerto Princesa IMT o sa kanilang Facebook page kung may katanungan ukol sa pagbiyahe.
Discussion about this post