Arestado ng 2nd SOU PNP-Maritime Group ang isang suspek na may kinakaharap na pitong warrant of arrest dahil sa kasong syndicated estafa.
Kinilala ang suspek na si Cristy Sonio, a.k.a. Christina Sonio, a.k.a. Cristine Borres Sunio, 36 taong gulang, may asawa, at residente ng Brgy. Tiniguiban, Puerto Princesa City, Palawan.
Sa impormasyong ibinahagi ng ahensiya sa kanilang social media account kahapon, June 10, nakasaad na kanilang nadakip ang nasabing suspek dakong 6:30 pm noong Hunyo 9 sa isang Law Enforcement Operation sa Brgy. Tiniguiban sa bisa ng Warrant of Arrest na ibinaba ni RTC-Branch 52 Presiding Judge Angelo R. Arizala.
Nahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa Article 315 (2) (a) Revised Penal Code (RPC) may kaugnayan sa Sec. 1 ng Presidential Decree No. 1689 (Syndicated Estafa na walang inirekomensang piyansa) sa ilalim ng Criminal Case Nos. 34070 at 34558 na may petsang Sep. 29, 2017, 34895 na may petsang Dec. 29, 2017, 35266 at 35267 na may petsa namang July 31, 2018, 35352 at 35495 na may petsang Jan. 31, 2018 at (ESTAFA) with Criminal Case No. 33527.
Sa salaysay umano ng mga complainant investors, niloko sila ni Christine Sunio na nagkunwaring mayroon siyang credit, property at secret formula sa kanilang business scheme, at humikayat sa publiko na mag-invest sa 7 Star General Merchandising. Pinangakuan umano silang ang salaping kanilang inilagak ay babalik ng 100% matapos ang ilang araw ng investment.
“This Unit encourages other victims to surface and identify the suspect in order to file additional and appropriate charges,” ang nakasaad pa sa post ng PNP Maritime Group.
Matatandaang nag-alok ang 7 Star General Merchandise ng kitang P10,000 para sa investment nga P3,500 makalipas ang 45 araw. July 4, 2016 nang bigla na lang nagsara ang kumpanya tangay ang pera ng mga investor.
Dinala naman ang suspek sa tanggapan ng 2nd SOU-MG Headquarters para sa documentation bago i-turn-over sa korte para sa tamang disposisyon.
Discussion about this post