Iba-iba ang reaksyon at mga isyung lumalabas hinggil sa usaping pasahe mula nang buksan ang bagong terminal ng mga sasakyan sa Barangay Irawan, lungsod ng Puerto Princesa.
Dahil naging usapin na ang overpricing na pamasahe at pahirapan din sa mga byahero ang pagsakay papuntang norte bukod pa sa nararanasang dagdag gastusin ng mga namamasada dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina.
Kaugnay nito sa ginanap na regular sesyon ng ika-44 Sangguniang Panlalawigan inaprubahan ang kahilingang resolusyon ni Board Member Winston G. Arzaga na ipagpaliban muna ang operasyon ng kalilipat pa lamang na terminal partikular para sa mga pampublikong sasakyan na bumibiyahe sa bahaging norte ng lalawigan.
Ang Resolution No. 613-22 na may titulong “A Resolution requesting the City Government of Puerto Princesa through the Honorable Mayor Lucilo R. Bayron to defer and or reconsider the transfer of the terminal for North Bound Public Utility Vehicles for general interest, convenience, economy and comfort of the general riding public of Northern Palawan residents,” na iniakda ni Board Member Winston G. Arzaga.
Ayon kay BM Arzaga, lubhang pahirap sa mga mananakay dahil sa bukod sa malayo mataas pa ang pamasahe sa tricycle at multicab na naging problema ngayon.
“There are also some problems about tricycle operators as well as multicab drivers who are charging, I would say exorbitant fees from the terminal to the city proper, some tricycles are charging 300 pesos per trip. The thing Mr. Chair, it is too much for a travelling public from northern Palawan,” ani BM Arzaga.
Kaugnay nito ay inaasahan naman na makikipag-ugnayan ang Sangguniang Panlalawigan sa mga kinatawan ng City Council upang masusing mapag-usapan at matalakay ang naturang kahilingan partikular kung maaaring pansamantalang ipagamit muna ang dating terminal sa Brgy. San Jose para sa mga bumibiyahe sa bahaging norte ng lalawigan habang naghahanap pa ng lugar na posibleng pagtayuan ng terminal para sa Northern Palawan public utility vehicles.
Discussion about this post