Tuloy-tuloy ang “Bayanihang Pasko” ng Batang Puerto Princesa na isang aktibong people’s group na may mahigit 45,000 na miyembro online.
Isa sa mga nabibiyaan ng BPP si Lolo Esmeraldo Qial na kung saan sa edad na 66 years old nag hahanap buhay pa din sa pagtitinda ng ice candy at ice drop gamit ang kaniyang bisekleta.
Nakita ng isang miyembro ang pagsusumikap ni Lolo Esmeraldo at ito ay ipinaabot sa administrator ng BPP. Agarang romesponde ang mga miyembro at ikinalat ang post tungkol kay Lolo Esmeraldo. Wala pang tatlong araw ay may bagong bisekleta na sya galing sa tatay ng isang miyembro
At sa tulong ng isang kapitbahay na BPP natunton ang tirahan ng pamilya. Napag-alaman din na birthday ng isa sa mga bata, na sinurpresa naman ng simpleng handa mula sa pagtutulungan din ng mga miyembrong sponsors.
Si Melissa ay nagdiwang ng kaniyang kaarawan ngayong nitong linggo, ika-16 ng Disyembre. Siya ay kasalukuyang nasa Grade 7 ng Palawan High School at isa sa dalawang kapatid na binubuhay ni Lolo Esmeraldo.
Ang kapatid nito na si Emily ay nasa Grade 3 na nag-aaral sa Bancao Bancao Elementary School.
Sa mga nais tumulong para sa kanilang pamilya, lalong-lalo na sa pag-aaral ng dalawang mga bata, maaring makipag-ugnayan lamang sa Batang Puerto Princesa Group
Dating Facebook group lamang ang BPP hanggang sa noong ika-30 ng Nobyembre 2017 ay naglunsad ito ng unang on the ground program na may Laro ng mga Bayani, Balik Sayaw disco sa dating paboritong Edwins, at BPP Night sa Baybay noong PPC Fiesta 2017 na nagtanghal ng mga musikero at mananayaw na BPP.
Noong ika-8 ng Setyembre 2018, nagkaroon ng first anniversary ang BPP na idinaos sa pamamagitan ng BPP CURE (Clean Up Run for the Environment), katutubong mga laro at Indak Bayan, Medical, dental, Optometry and wellness services, Futsal, at anniversary party.
Naglunsad din ang BPP ng Bayanihang Pasko noong ika-30 ng Nobyembre sa Children’s Park bilang paggunita ng Araw ng mga Bayani, Buwan ng mga Bata at kapaskuhan.
Mahigit sa 400 na mga bata, senior citizens at persons with disability ang dumalo sa outreach Christmas party.
Ito ay itinaguyod ng Bry Kalipay, Air Asia at maraming mga miyembro ng BPP at taga Puerto Princesa na kumakalinga sa kapwa.
Discussion about this post