Muli na naman nakapagtala ng panibagong insidente nang nakawan sa lungsod ng Puerto Princesa matapos sumalakay ang tinaguriang beteranong magnanakaw sa Puerto Princesa nito lang Sabado, Oktubre 14.
Sa ulat ng Anti Crime Task Force, nakatanggap muli sila ng tawag na mayroon ninakawan ang lalaki na kanilang matagal nang pinaghahanap.
Ayon na rin sa impormasyon mula sa mamamayan, huling nakita ito sa Bucana, Iwahig ngunit hindi ito nagtatagal.
Napag-alaman din ng ACTF na mula sa Roxas, Palawan, ang suspek at kalalabas lang umano ito ng kulungan sa kasong pagnanakaw din.
Kaugnay nito, pinag-iigting na ng mga awtoridad ang pagpapatrolya sa lungsod at sa mga posible pang salakayin nang nasabing kawatan.
Discussion about this post