Tumaas ang tourist arrival sa Puerto Princesa Underground River nitong nakarang taon kumpara noong 2017.
Ayon kay Elizabeth Maclang, park superintendent ng PPUR, noong naaraang taon ay umabot sa 211,830 ang local tourist habang nasa 342,280 naman ang mga foreign tourist na may kabuuang 342,280 na mga turista ang bumista sa underground river.
Mas mataas ito kumpara sa tourist arrival noong 2017 na ang local tourist ay umabot lamang sa 211,163 habang ang foreign tourist ay nasa 88,177 at may kabuuan lamang na 299,340.
Umaasa naman umano ang pamunuan ng PPUR na ngayong taon ay mas dadagsa pa ang mga turistang nais makita ang pamosong kweba ng underground river.
Discussion about this post