Wala umanong natatanggap na election-related incident ang Commission on Elections – Puerto Princesa simula ng ipatupad ang election period noong January 13, 2019.
Ayon kay City Comelec Officer Ferdinand Bermejo, tahimik naman dito sa lunsod ng Puerto Princesa at wala pa silang natatanggap na ulat na may nangyaring kaguluhan nang dahil sa pulitika.
Sinabi rin ni Bermejo na sumusunod naman umano ang mga taga lunsod sa ipinapatupad na gun ban lalo na ang mga kumakandidato sa ibat-ibang posisyon dito dahil alam nilang kapag lumabag sila dito ay malaki ang kanilang magiing problema.
Matatandaang simula noong unang araw ng election period ay kaliwa’t kanan na ang isinasagawang Comelec check para matiyak na magiging maayos at mapayapa ang gaganaping halalan sa buwan ng Mayo.
Discussion about this post