Bilang pagtugon sa ibinabang Memorandum Circular No. 82 ng Malacañang ngayong araw, nagpalabas din ng isang kautusan ang Punong Lungsod para sa pagsususpinde ng trabaho. Naging epektibo ito sa Pamahalaang Panlungsod simula kaninang 3 pm hanggang Nov 12 bukas.
Sa Memorandum Order No. 2020-254 na inilabas ng Punong Ehekutibo ngayong araw, inaatasan ng Alkalde na tumalima rito ang lahat ng government officials, department heads, program/project managers, mga empleyado at mga trabahante ng siyudad.
Nilinaw naman ni City Mayor Lucilo Bayron sa kanyang kautusan na tuloy pa rin ang mga nakatakda ng pagpupulong at mga aktibidad, maliban na lamang kung ang dahilan ay banta sa buhay at kaligtasan.
Samantala, ang nasabing suspensyon sa trabaho sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan at sa klase sa mga pampublikong paaralan sa lahat ng antas ay iniatas ng pamahalaang nasyunal dahil sa patuloy na nararanasang masamang panahon sa Rehiyon II, III, CALABARZON, MIMAROPA, Cordillera Administrative Region at National Capital Region dulot ng bagyong “Ulysses.”
Discussion about this post