Advertisement
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
ADVERTISEMENT
Home City News

City Health Office: Kaso ng mga nagkakasakit ng TB sa Puerto Princesa, mataas pa rin

Jenny Medina by Jenny Medina
August 1, 2018
in City News, Puerto Princesa City
Reading Time: 2 mins read
A A
0

Lung Illustration. Image Credit: medikaynak.com

Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

PUERTO PRINCESA CITY — Isang resolusyon ang ipinasa ng Sangguniang Panlungsod kahapon para i-adopt ang komprehensibong plano ng national government para malabanan ang sakit na tuberculosis o TB sa bansa.

Ayon sa chairman ng committee on health and sanitation sa Sangguniang Panlungsod na si Kagawad Roy Gregorio Ventura , ang Pilipinas ay pumapang-anim sa buong mundo na mayroong pinakamataas na kaso ng TB at pumapangatlo naman sa buong Southeast Asia.

RelatedPosts

CHO identifies Sicsican with highest number of dengue cases

South Korean firm signals interest in investing in Puerto Princesa

Puerto Princesa moves to ban sexually suggestive billboards in nightlife districts

Ang TB ay isang uri ng malubhang sakit na dulot ng impeksyon sa baga. Ang impeksyong na ito ay nag-uugat sa bacteria na tinatawag na mycobacterium tuberculosi.

ADVERTISEMENT

Dito sa lungsod ng Puerto Princesa, ang kaso ng TB ay mas mataas pa umano sa kaso ng mga naitalang nagkasakit ng dengue at mga dinapuan ng sakit na HIV/AIDS kaya kinakailangan na ng agresibong suporta at kampanya ng lokal na pamahalaan para mapababa ang kaso nito sa mga susunod na taon.

Ayon kay Assistant City Health Officer Dr. Dean Palanca, simula buwan ng Enero hanggang sa kasalukuyang buwan ng Hulyo nakapagtala na sila ng 440 na kaso ng TB at walo na ang naitalang drug resistant- TB o iyong hindi na tinatablan ng gamot.

Noong taong 2016 nakapagtala ang CHO ng 860 cases at 726 cases naman noong 2017. Ilang kaso na namonitor ay mula sa mga inmates ng Iwahig Prison and Penal Farm at ilan ay sa mga detinido sa Puerto Princesa City Jail.

“Bakit mataas ang case, makkikita sa prison dikit – dikit ang tao, yung isa kapag umubo na hindi agad nagamot hahawaan niya na yung isa na posibleng magkaroon na ng tb dahil ang hawa niya ay airborne,” pahayag ni Dr. Palanca

Ilan sa sintomas ng pagkakaroon ng sakit na TB ay ang pag-ubo na higit pa sa linggo na pwedeng may bahid ng dugo o walang plema, pananakit ng dibdib at likod, lagnat na kadalasan sa hapon o gabi, walang gana sa pagkain at pangangayayat.

Kaugnay nito, hiniling ng CHO sa Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa na malaanan ng pondo ang pambili ng bagong digital x-ray machine. Ang isa nito ay nagkakahalaga ng mahigit anim na milyong piso at humihiling rin ng isang gene expert machine na nagkakahalaga ng 1.5 million pesos na makakatulong sa kanila na maka-detect ng mga may sakit na TB at mabigyan ng amot para malunasan ang sakit.

Tags: tuberculosis
Share61Tweet38
ADVERTISEMENT
Previous Post

Sitwasyon ng supply ng bigas sa Palawan, tatalakayin ng Provincial Board

Next Post

Binata, arestado dahil sa carnapping

Jenny Medina

Jenny Medina

Related Posts

Kaso ng dengue sa Palawan, bumaba
City News

CHO identifies Sicsican with highest number of dengue cases

October 1, 2025
South Korean firm signals interest in investing in Puerto Princesa
City News

South Korean firm signals interest in investing in Puerto Princesa

October 1, 2025
Puerto Princesa moves to ban sexually suggestive billboards in nightlife districts
City News

Puerto Princesa moves to ban sexually suggestive billboards in nightlife districts

October 1, 2025
City DepEd says no room for ‘item for sale’, tightens hiring rules
City News

City DepEd says no room for ‘item for sale’, tightens hiring rules

September 30, 2025
TESDA Palawan bags ‘Best Provincial Office’ award in MIMAROPA Region
City News

TESDA Palawan prepares trainees for green jobs, introduces Green TVET

September 29, 2025
City medtech trained to improve TB detection and prevention
City News

City medtech trained to improve TB detection and prevention

September 24, 2025
Next Post
Binata, arestado dahil sa carnapping

Binata, arestado dahil sa carnapping

Pagtatanim ng Cherry Blossom tree sapling, tampok sa ‘Balayong Festival’

Pagtatanim ng Cherry Blossom tree sapling, tampok sa 'Balayong Festival'

Discussion about this post

Latest News

₱60 billion in health funds to be restored to Philhealth, DBM confirms

₱60 billion in health funds to be restored to Philhealth, DBM confirms

October 1, 2025
Kaso ng dengue sa Palawan, bumaba

CHO identifies Sicsican with highest number of dengue cases

October 1, 2025
South Korean firm signals interest in investing in Puerto Princesa

South Korean firm signals interest in investing in Puerto Princesa

October 1, 2025
Puerto Princesa moves to ban sexually suggestive billboards in nightlife districts

Puerto Princesa moves to ban sexually suggestive billboards in nightlife districts

October 1, 2025
City DepEd says no room for ‘item for sale’, tightens hiring rules

City DepEd says no room for ‘item for sale’, tightens hiring rules

September 30, 2025

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15121 shares
    Share 6048 Tweet 3780
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11486 shares
    Share 4594 Tweet 2872
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10287 shares
    Share 4115 Tweet 2572
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9692 shares
    Share 3876 Tweet 2423
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    9383 shares
    Share 3753 Tweet 2346
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us