Humingi ng pahintulot si konsehal Elgin Damasco batay sa public post nito kay Department Environment and Natural Resources o DENR Sec. Roy Cimatu na kung maaring magamit ang mga natumbang mga kahoy upang gawin sanang bahay ng mga nawalan ng tahanan ng bagyong Odette.
Kinumpirma sa Palawan Daily ni konsehal na bukas ay makakausap nito si Usec Benny Antiporda.
“Yes tumawag si Usec. Benny Antiporda at pinapasulat ako. Bukas interview siya Bandera,” pahayag ng konsehal.
Agad naman gumawa ng sulat ang konsehal bilang tugon at aksyon upang magamit ang mga punong kahoy na natumba dahil sa bagyong Odette.
Nasa 20,000 na bahay ang apektado at nasa 5,000 ang halos wala ng tahanan sa lalawigan.
Samantala, naglabas naman ng public advisory ang DENR na mahigpit na ipinagbabawal ang pagtitistis, pangunguha, pagbibyahe at pagbebenta na posibleng managot sa batas, maging ang mga Barangay Official, na mayroon silang responsibilidad at pananagutan sa mga kahoy na nasa kanilang kostudiya dahil ipinagbabawal din sa batas ang walang pahintulot na pamamahagi ng kahoy kong walang pahintulot mula sa City ENRO at sa DENR.
Discussion about this post