Inaasahan umano ng Palawan Provincial Health Office (PHO) na may darating na bakuna ng COVID-19 mula sa National Government ngayong buwan ng Pebrero.
“Ang target po nila na sinabi po sa akin, may darating po sa amin ng February yung mga first batch [ng bakuna]. So we are undergoing the preparation na po ito ngayon so habang wala pa po itong vaccine…”
Sinisiguro naman ng Pamahalaang Panlalawigan na may kakayahan ang bawat munisipyo sa probinsya na mag-imbak ang mga bakuna.
“Patuloy po kaming nagpre-prepare. Patuloy po naming chine-check po lahat ngayon. Mayroon na pong employees sa ating PHO na naglilibot sa lalawigan para po i-check po yung capability po ng bawat munisipyo sa pag-store ng ating mga vaccine.”
Dumaan na rin daw sila sa pagsasanay kung paano ang tamang pag-iimbak at pag-transfer ng mga bakuna. Lalo na’t malayo ang mga munisipyo sa tanggapan ng Provincial Health Office kung saan ilalagak ang mga darating na bakuna.
“We have been trained for that, kung paano yung magiging pag-store nun at pagtra-transfer po nun. At saka po hindi namin nakakalimutan na malalayo po ang ating mga munisipyo. So, we have been instructed kung paano po i-tra-transfer itong mga ito. And our provincial government po has already procured mga cold chains yung ating mga vaccine para sa mga hospitals din po natin.”
Samantala hindi pa rin alam kung aling brand ng bakuna ang matatanggap ng lalawigan mula sa National Government dahil wala pa umanong ibinigay na pahayag ang DOH.
Discussion about this post