Kulang umano ang mga bakunang natanggap ng lungsod ng Puerto Princesa para mabakunahan ang lahat ng health workers kontra COVID-19.
“Hindi pa po [natin nabibigyan lahat kasi] kulang yung bakuna eh. Inubos na namin pero yung iba hindi namin nabigyan. Meron pa kasi tayong health workers na during that time ay hindi sila puwedeng bigyan. May mga conditions kaya hindi nabigyan. Then mayroon pa talaga tayong mga health workers na target na hindi nabigyan lalong lalo na yung mga BHW sa mga rural barangays.” Ayon kay Dr Ricardo Panganiban, Puerto Princesa City-COVID-19 Vaccination Council (PPC-COVAC) Chairman.
Sa ngayon ay patuloy umano ang pagbibigay nila ng ikalawang dose sa mga nakatanggap na ng unang dose ng SinoVac COVID-19 vaccine ngunit ang sa AstraZeneca ay inaantay pa rin mula sa National Government.
“Wala po [schedule ngayon ng pagtuloy ng bakunahan dahil] depende po yun sa arrival ng vaccine. Doon po tayo nakadepende. Sa ngayon po ang ginagawa natin ay nagva-vaccine kami sa second dose. Kung 1,000 ang sa first dose, 1,000 din ang tinago namin na SinoVac.”
“Yung hinihintay lang naming na pang-econd dose [ay] yung sa AstraZeneca kasi yung sa Astra[Zeneca] ang lahat ay ginamit natin na first dose as directed by the Department of Health. Ang sinusunod po namin sa AstraZeneca ay 8 weeks. Puwedeng 4 to 12 weeks pero ang sinunsunod na direksyon natin ay 8 weeks ang second dose natin.”
Aniya ang tanggapan nila ay walang online registration ngunit gumagamit ito ng digital system na tinatawag na Puerto Princesa Vaccination Management System na kung saan ang mga nagparegister ay makakatanggap ng SMS ukol sa vaccination schedule nila.
“Wala kaming online pero may system kaming ginagamit. Puerto Princesa Vaccination Management System. Hindi po yan online pero digital system po ang ginagamit. Kapag nakapagpa-register ka diyan [ay] meron kang matatanggap na message sa cellphone mo.”
Sa ngayon ay hindi pa naitatala lahat ng mga mababakunahan dahil pinaprayoridad pa rin ang mga dapat bigyan muna ng bakuna.
“Hindi natin kayang gawin kaagad-agad yun kaya nagpaprayoridad muna kami. Tinatarget lang namin kasi hindi naming kaya i-register lahat ng population natin. Hindi kayang magsabay-sabay kaya nag-prioritize muna kami.”
Patuloy namang ipatutupad ang Resolution No. 33 hanggang Abril 19, 2021. At pansamantala rin sinususpinde ang mga inbound flights at sea voyages patungo sa lungsod ng Puerto Princesa upang maiwasang ang paglala ng sitwasyon kaugnay sa mga kaso ng COVID-19.
“Nakita na po natin yung nangyari sa ibang lugar na tinatawag natin na NCR plus ‘no. Yun ang iniiwasan natin na mangyari dito sa lugar natin kaya yung mga restrictions ay pinapatupad natin ngayon. So, tuloy-tuloy po yung ating mga health protocols.”
“Yun pong mga 15 below wag munang lalabas saka yung 65 above [ay] pinagbabawal po munang lumabas unless talagang emergency [at] kailangang-kailangan bumili ng gamut o mga pangangailangan. Yung mga gatherings ay pinagbabawal. Kailangan 50% lang ng capacity kasama na yung mga dine-in mga ganun. Yung ating workforce ay 50% lang din ang dapat na pumapasok. Yung curfew [ay] ganun pa rin – 10:00 pm hanggang 5:00 am. At nag[-iimplementa] pa tayo ng temporary suspension for another 2 weeks’ ng mga arrivals.”
Discussion about this post