Matagumpay na naiskatapuran ang pagsasanay ng City Social Welfare and Development (CSWD) kaugnay sa Rug Making noong Abril 13 hanggang 14 sa Covered Gym ng Barangay Irawan, lungsod ng Puerto Princesa.
Ang pagsasanay ay pinangunahan sa tulong ng mga trainers na sina Mayline Castro, Pangulo ng Women’s with Disabilities Association ng Barangay Santa. Monica, Arlene Joy Rocela, TAWAG President ng Barangay Matiyaga, at iba pang mga manggagawa mula sa CSWD.
Ang nasabing pagsasanay ay dinaluhan ng mga magulang ng mga batang may kapansanan na benepisyaryo din ng Tuloy Aral Walang Sagabal o TAWAG Program ng CSWD. Ang mga dumalo ay nagmula sa mga barangay ng Irawan at Tiniguiban ng nasabing lungsod.
Discussion about this post