Patay ang isang rider matapos masangkot sa banggaan sa harap ng Iglesia Ni Cristo Church, kilometro 11 ng Brgy. Irawan, Puerto Princesa City. Kinilala ang nasawing rider na si Mark ERICK Dangan Y Castro, 26 taong gulang at naninirahan sa Brgy. San Miguel. Kinilala rin ang kabanggaan niyang si Dave Mar Balatero Y Limaco, 25 taong gulang, estudyante, at naninirahan sa Zone 11, Brgy. Irawan, Puerto Princesa City.
Ayon sa ulat ng Puerto Princesa City Police Office, Hulyo ika-24 ganap na 3:50 ng umaga nang mangyari ang aksidente. Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP, nagmamaneho ng mabilis sa South National Highway ng Brgy. Irawan sa Lungsod ang dalawang sasakyan, bago mangyari ang aksidente. Ayon sa salaysay ni Dave Mar, pareho silang pumayag na magkarera sa lugar.
Pagdating sa isang kurbada, aksidenteng nagbanggaan ang dalawang sasakyan. Tumama ang isa sa mga sasakyan sa kahoy na poste ng Palawan Electric Cooperative (PALECO) at sumemplang sa kanal sa harap ng INC Church ang biktima na nagtamo ng malubhang pinsala na agad na ikinasawi nito. Samantala, si Dave Mac naman ay nasa pagamutan at nagpapagaling.
Patuloy ang imbestigasyon ng PNP kaugnay sa aksidente.
Discussion about this post