Pansamantalang nakalaya sa kustodiya ng PNP ang dalawang sa tatlong suspek–Joshua Ponce De Leon at Edwin Doce Eleazar–sa pagsaksak na nauwi sa pagkamatay ng 17-anyos na Grade 9 student na si Tristan Padon Madera, studyante at residente ng Barangay San Jose.
Ito ang kinumpirma ni Police Captain Joy Catain DeCastro Iquin, tagapagsalita ng Puerto Princesa City Police Office, na hindi raw pasok sa inquest proceedings ang kaso kaya pinalaya ng piskalya ang mga suspek.
“Opo, pansamantala pong pinalaya [kasi] hindi po siya pumasok sa inquest proceedings. After a month pag lumabas po warrant of arrest ng 3, ay mahuhuli din po ito,” saad ni PCapt. Iquin.
Batay sa impormasyon galing sa isang source ng news team, hindi pasok ang pagkakahuli sa mga suspek sa “hot pursuit operation”s at lumapas na di umano sa 36 hours ang pagkakadakip sa kanila, batay sa Article 125 revised Penal Code.
Matatandaang naganap ang insidente noong Sabado, ika-18 ng Hunyo, ganap na 10:00 PM, at naireport sa PNP ganap na 12:15 AM, ika-19 ng Hunyo.
Nahuli naman ang mga suspek noong hapon ng ika-20 ng Hunyo.
“Sa criminal procedure, dalawa kasi yung paraan ng pag file ng case; inquest at regular filing, yung inquest tinitignan yung validity ng arrest, kapag pumasok doon sa hot pursuit operations. Yung regular filling naman kapag lumampas na sa 36 hours bago nasampahan ng kaso ang mga suspek,” dagdag ni police captain.
Ayon pa source ng news team, hindi rin naman daw maituturing na hot pursuit operations ang ginawa ng PNP, dahil hindi agad na identify ang pagkakakilanlan ng mga suspek.
“Kaya hindi ma-justify ng police ang hot pursuit, kasi dapat immediately after ng incident, kaya wala silang hahanapin kasi undientified, pero nagsasagawa na sila ng imbestigasyon,” sabi nito.
Samantala, hindi naman masisisi ang mga kapulisan dahil may authority ang Fiscal at dahil na rin sa umiiral na batas na kanilang sinusunod.
Kaugnay niyan, hihintayin nalang ng mga awtoridad ang warrant of arrest na ilalabas ng korte upang tuluyan nang mapanagot at makulong ang mga suspek.
Discussion about this post