Sa pagbisita ni Department of Agriculture Secretary William Dar sa Puerto Princesa nitong Sabado, Enero 29 ,2021, ipinarating ni Mayor Lucilo R. Bayron ang kahilingan ng pamahalaang panlungsod na tulungan sila teknikal na aspeto ng planong itayong halal slaughterhouse sa Barangay Irawan.
“Secretary Dar, mayroon akong laging inuulit –ulit na kasabihan, sayangin mo na ang panahon ‘wag lang ang pagkakataon. And so this afternoon, I’m going to hand down to you a personal letter requesting for technical assistance on the design of a halal slaughterhouse. Hindi kami maalam kasi ‘di namin alam kung papaano i-design yan. Paki patulungan lang kami Secretary.”
Hindi naman nabigo ang alkalde dahil agad nagpahayag ng suporta si Secretary Dar at nangako rin ito na kung matutuloy umano ang ‘Bayanihan to Heal as One Act 3’ ay posibleng magbigay ang DA ng pinansyal na tulong para sa proyekto.
“Yung iba’t ibang components, kasama yung halal slaughterhouse po, na gustong ipatayo po ng City Government dito ay katuwang ninyo ang Kagawaran ng Pagsasaka sa pagpapatupad in realization of your slaughterhouse na halal.”
“Yung sulat po ni Mayor Bayron ay approved na kung yung Bayanihan 3 na binabalak ng kongreso ay maisakatuparan kasi gusto nila mabigyan ng dagdag ang ayuda o suporta ng iba’t ibang sector ng ating ekonomiya included na yung sektor ng Agrikultura. So kung natuloy itong Bayanihan 3 ay asahan mo rin yun Mayor na kami ay kakalap ng financial counterpart nitong sa slaughterhouse.”
Ang pagsuporta ni Sec. Dar ay ipinahayag kasabay ng pamamahagi ng iba’t ibang mga farm machineries na nagkakahalaga ng P186M at iba’t ibang mga mga ayuda na ibinigay sa mga LGU at mga samahan ng mga magsasaka sa tatlong distrito ng Palawan kasama ang lungsod ng Puerto Princesa.
Discussion about this post