Sa Sabado na sisimulan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB Regional office ang distribusyon ng fuel cards sa Lungsod ng Puerto Princesa sa ilalim ng Pantawid Pasada Program ng Gobyerno.
Sa nakuhang impormasyon ng Palawan Daily News mula sa LTFRB Regional office, ang magiging benepisyaryo ng fuel card ay ang mga tsuper o operator ng public utility jeepney o PUJ na may lehitimong prangkisa.
Kapag nakumpirma na sila ay lehitimo base sa data base ng LTFRB ay magdala lamang ng government-issued ID at ang kanilang OR/CR sa designated cash card issuance station na land bank of the philippines sa rizal avenue. Naglalaman ng P5,000 ang cash card na maaari lamang ipanggasolina at hindi maaaring i-withdraw sa ATM.
Para naman sa posibleng reklamong umusbong sa paggamit ng fuel card tulad ng hindi pagtanggap ng ilang gasoline station sa lungsod, ire-refer ito sa kanilang central office para magawan ng aksyon dahil ang regional office umano ay naatasan lamang mamahagi ng mga fuel cards.
Discussion about this post