Sinuri ni DOH MIMAROPA Regional Dr. Mario Baquilod ang pasilidad ng Provincial Emergency Operations Center (EOC) sa Brgy. Irawan noong ika-29 ng Oktubre, 2020.
Ayon kay PDRRMO focal person Allen Vincent Abiog, sinuri nang masinsinan ni Dr. Baquilod ang kanilang pasilidad upang makita kung tama ang ginagawang operasyon sa loob ng operations center.
“Doon sa testing facility lamang, naging comment niya [na] mas taasan ‘yong mga harang [at] limitahan ‘yong mga dinadaanan ng mga LSI para rin maiwasan at maprotektahan ‘yong ating mga kasama sa kapitolyo na nagtatrabaho doon sa Irawan,” ani Abiog.
Dagdag pa ni Gg. Abiog sinabi ni Dr. Baquilod na mahaba pa umano ang tatahakin ng COVID Response sa paglaban sa COVID-19.
“Hinihingi [ni Dr. Baquilod] ‘yong pang-unawa at more patience pa raw kasi hindi pa raw ito matatapos ngayong taon at wala ring kasiguraduhan na next year ay matatapos na [ang pendemya],” kwento ni Aniog.
Samantala, binigyang diin naman ni Dr. Baquilod sa mga frontliners at sa publiko ang proper disinfection at ang pagsunod sa ipinapatupad na health protocols upang maiwasang mahawa ng COVID-19.
Discussion about this post