Mula Enero ngayong taon ay umabot na sa 29 na mga tricycle drivers ang nahuli ng City Traffic Management Office (CTMO) matapos dumaan sa National Highway partikular sa poblacion area ng lungsod ng Puerto Princesa.
Ang paghuli sa mga ito ay alinsunod sa kautusan ng memorandum circular na inilabas ng Department of the Interior and Local Government o (DILG) noong Pebrero 2020.
Ang naturang memorandum ay naglalayong pagbawalan ang pagdaan ng mga pampasaherong tricycles sa mga pangunahing kalsada o highways. Ito ay ibinaba ng DILG sa lahat ng sangay ng gobyerno sa buong bansa.
Samantala, P500 piso naman ang multa sa mga tricycle na mahuhuli sa kalsada.
Discussion about this post