Aprubado na ang pinasang resolution ni Councilor Peter Maristella na pagpapalawig ng extension kaugnay sa renewal ng Mayor’s Permit sa mga tindahan at payment para sa Annual Supervision Fee para sa mga tricycle na hanggang Marso 30, 2022.
Ayon kay Maristella “dapat pagsapit ng Pebrero 28 ang deadline ngunit dahil sa pandemya at ‘yong kalamidad na dinanas natin sa typhoon Odette kaya naisipan natin mag file ng resolution at nagpapasalamat ako sa mga kasamahan sa Sangguniang panlungsod at ito ay agad na naaprubahan.”
Samantala kung papatak sa araw ng Sabado, Linggo o holiday ang Marso 30 ay maari pa rin mag renew at magbayad sa araw ng pasukan.
Discussion about this post