Sa ginanap na Inaugural Session ng 17th Sangguniang Panlungsod kaninang umaga Hulyo 4, napahanga ang karamihan dahil sa suot na Filipiniana ni Vice Mayor Nancy Socrates na gawa sa Tansha o tela ng white flour.
Ang Filipiniana na tancha ay gawa ng ARA PILAK na matatagpuan sa Barangay Bancao-Bancao.
“Actually fan talaga ako ng ARA PILAK. Sila yong gumawa nito and they started sa [paggawa ng] bamboo straw. Ngayon naka-concentrate sila on katcha outfits, so sabi ko para maging iba…ako kasi alam ko maraming magkakapareho-parehong damit,” ani ni Vice Mayor Socrates.
Dagdag pa ni Socrates, ito ang kanyang naisip na ipagawa at isuot sa unang araw ng session at ibinahagi rin nito na isa siya sa nagpasa ng single use plastic ordinance ngunit hindi ito natuloy dahil sa pandemya dulot ng COVID-19.
“Environment Advocacy ako we used recycling, actually isa ako sa nagpasa ng single used plastic ordinance, pinopost ko ngayon na implement siya ulit because we started…we tried to implement [noong] 2019 kaya lang nagka pandemya so hindi natuloy…kawawa naman yong mga tao kung sa dami ng pinagdaanan ipilit pa natin na wag gamitin ang plastic,” saad ni Vice Mayor Socrates.
Samantala ngayong taon ay muli itong bubuhayin ang usapin sa paggamit ng single use plastic.
“For now maybe this year yun ang e- implement ang plastic ordinance and continuous naman yung advocacies ko sa pagpa-plant ng bamboo at mangrove and then I also distribute seedlings ng fruit trees,” ani ni Socrates.
Kaugnay nito, titingnan din umano ng bise alkalde ang iba pang ordinansa na makakatulong sa kalikasan sa lungsod ng Puerto Princesa
Discussion about this post