Dumalo sa isinagawang pagpupulong ng Committee on Transportation kaninang umaga, Pebrero 4, 2021, si Puerto princesa City Information Officer (CIO) Richard Ligad upang mamagitan sa grupo ng Backride Palawan at ng mga Tricycle Operators sa lungsod. Siya rin kais ang tumatayong hepe ng City Public Order and Safety.
Nilinaw nito na hindi niya pinahintulutan ang operasyon ng Backride Palawan.
“May narinig akong interview kanina, nagulat nga ako na sabi pinayagan ko daw ang pag-o-operate ng Backride Palawan. Wala akong matandaan na binigyan dahil hindi saklaw ng katungkulan ko ang pagbibigay ng payag.”
Dagdag pa ni CIO Richard Ligad hindi niya umano hahayaan na magkaroon ng kaguluhan sa usapin. Malinaw umano na walang kaukulang permit ang kompanyang Backride Palawan.
“Bilang isang Public Safety Officer hindi ko naman papayagan na magkaroon ng division o kaguluhan sa ating lungsod. Maliwanag po sa pagkakaintindi ko ngayon, walang permit yung Backride Palawan so tama rin naman yung mga tricycle driver na talaga silang pinag kaiba sa colorum.
Ayon pa kay CIO Ligad, mahigpit ang kampanya ng kanyang tanggapan sa pagsita at panghuhuli ng mga colorum. Kaya kung nais umanong mag-operate ng Backride Palawan ay kumuha ito ng kaukulang prangkisa.
“Kasi kami yung tanggapan namin eh busy din kami sa panghuhuli sa colorum eh bilang pag-alalay din sa may mga prangkisa nating tricycle. Pagkatapos makikita nila yung isang motor kukuha ng pasahero walang permit, wala lahat.”
Discussion about this post