Aminado ang ilang baranagay sa Puerto Princesa na hirap sila sa pagpapatupad ng Memorandum Circular No 2020-145 ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nag-uutos na magsagawa ng road clearing o tanggalin ang mga nakahambalang na mga istraktura sa mga kalsada.
Ayon kay Kapitan Balbino I. Parangue ng Barangay Sicsican, nahihirapan sila dahil maliit ang kanilang mga kalsada.
“’Di ko po alam sa pag e-evaluate ng Department of the Interior and Local Government kung papasa kami o hindi, kasi kung mapapansin napakahirap talaga dito sa amin unang una ngayon nasa 2 lanes palang kami unlike sa ibang roads, ibang barangay nasa 4 lanes na sila kaya talaga mahihirapan kami ipapatupad ito… Kahit doon sa DILG inamin ko na kami sa Sicsican mahihirapan kami sa pagpapatupad kaya ginagawa naming lahat ng paraan,” ani Parangue.
Sa problema naman sa mga nakapwesto na mga talipapa sa kanilang Barangay, may ilan na umanong kusang tinanggal ang mga ito.
“More or less 50 ito, actually nagpapasalamat kami sa iba na tinupad at nag self-demolish na ng kanilang mga structure… Siyempre mayroon pa rin mga ilan na nagtitinda, sabagay wala na rin labas na sila sa aming ipinatutupad na area na bawal mag-park… Ngayon i-maintain nalang natin yan… Ang ating mga tanod nagbabantay na rin doon sa area na matrapik” dagdag pa ni Parangue.
Habang si Kapitan Ronaldo ‘Mong’ Sayang ng Ba
rangay Sta. Monica ay hindi rin masiguro na matatanggal lahat ng nakahambalang sa kalsada sa kanyang nasasakupan, subalit ngayon ay gumawa na sila ng paraan para makasunod sa kautusan ng DILG.“Tayo naman po ay naka ilang ikot narin po regarding sa ipinapatupad ng ating DILG sa road clearing, bagamat to be honest hindi pa talaga 100% na atin talaga nalilinis ang mga obstruction, particularly sa bahagi ng ating mga talipapa, meron ilan parin tayong nakikita… Ang priorities natin ngayon ay mga main road at busy road na kung saan matanggal ang mga obstruction,”
“Sa mga talipapa naman sa Sta. Monica may mga problema pero may nagkipag-cooperate naman sa atin, so ang ginawa natin ngayon nagpapagawa ako ngayon post park o kordunan ang mga area para hindi maparkingan, yung iba kasi hindi natin mabantayan from time to time kaya nakapag-isip tayo na kurdunan ang mga area na ito.” Pahayag ni Sayang.
Samantala, ayon naman kay Puerto Princesa City DILG Director Eufracio Forones Jr. wala pa silang natatanggap na kautusan kung extended ang deadline ng road clearing at posibleng sa Lunes na nila kukunin ang mga report ng mga LGUs.
“By next week by [January] 18 ay magsisimula na po maghingi kami ng report sa mga Barangay at City government ng compliance sa direktiba ng ating Pangulo at DILG… Yung report nila (mga Barangay) ay noted ng ating Punong Lungsod at i-submit sa DILG… Magkakaroon ng evaluation ang DILG, ito po ay inter-agency kasama ang PNP Bureau of Fire at Civil society organizations na magco-compose ng isang assessment team para tingnan kung sufficiency na comply ang mga provision memorandum circular,” pahayag ni Forones.
Discussion about this post