Lubos na galak at taus-pusong pagpapasalamat ang ipinaabot kay Congressman Atty. Gil Acosta Jr., ng limang benepisyaryo ng wheelchair sa lungsod ng Puerto Princesa.
Kabilang na rito si Nanay Milady Yee, 80 taong gulang mula sa barangay Maunlad. Ayon sa anak ni Nanay na si Marillin, mahigit 6 na taon nang di nakakalakad ang kanyang ina. Lubos naman ang pasasalamat ni Nanay Milady at ng pamilya nito sa biyayang natanggap ng kanilang ina, kabilang na ang Php 4,000 halaga ng Financial Assistance mula sa tanggapan ni Kabarangay Jr., katuwang ang DSWD at DOH.
Sa ngayon, mahigit 11 na wheelchair na ang naipamigay ng opisina sa mga kabarangay na nangangailangan nito sa buwan pa lamang ng Pebrero.
Patuloy parin ang inisyatibo ni Cong. Gil Acosta Jr. na matulungan ang ating mga Kabarangay na may kapansanan pati na yaong nakatatanda sa lipunan. (PR)
Discussion about this post