Sa ginanap na Inaugural Session ng ika-17 Sangguniang Panlungsod kahapon ng Hulyo 4, inanunsiyo na sa mga Konsehal ang kanilang magiging responsibilidad kaugnay sa mga hahawakang mga komite nito at dito ay itinalagang Minority Leader si Konsehal Luis Marcaida lll. Bagaman mayroon din siyang ibang hahawakan kabilang na dito ang Committee on Labor and Employment, Committee on Human Rights and Migration, Vice Chairman of Committee on Ways and Means at Committee on Legal Matters.
Ayon sa kanya, hindi magiging hadlang sa Sangguniang Panlungsod ang kanyang pagkatalaga sakanya bilang Minority Floor Leader at magiging boses siya ng lahat ng mga tao sa mamamayan ng Puerto Princesa.
“Gagampanan ko ang aking tungkulin bilang Konsehal at magiging boses tayo siyempre [and] at the same time magiging boses tayo ng lahat ng mga tao ng mamamayan ng Puerto Princesa…gusto ko iparating sa lahat na anumang desisyon ang gagawin natin ay laging isaalang-alang natin yong kapakanan ng taumbayan, kapakanan ng pamahalaang panlungsod, so yon ang maasahan sa atin ng mamamayan ng lungsod,” saad ni Marcaida.
Aniya, tama lang umano na siya ang italaga bilang minority leader, dahil hindi siya miyembro ng majority group, ngunit hindi naman na nangangahulugan na hindi siya magiging miyembro ng Sangguniang Panlungsod.
“Unang-una define natin, ano yung minority? Tama ako maging minority kasi talagang hindi ako miyembro ng majority group kasi hindi naman talaga ako partido…hindi naman ako member ng party nila…pero hindi nangangahulugan na hindi na tayo miyembro ng Sangguniang Panlungsod.”
Kanya rin binigyang diin, na dapat magkaisa gaya ng panawagan umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ang pagkakaroon ng pagkakaisa, maging sa kanyang unang pagdalo ng flag raising ceremony sa City Government ay nanawagan rin ng pagkakaisa si Puerto Princesa City Mayor Lucilo Bayron at panahon narin umano upang maghilom ang mga sugat at ayusin ang mga problema.
“Sa ating pagkakaalam noong May 9, ganap na 7:00 ng gabi tapos na ang halalan, so pagkatapos ng halalan pagkakataon na nito para maghilom ang mga sugat, at ayusin ang mga problema ng nakaraan, pero hindi nangangahulugan na i-suspend muli kung ano yong mga sa tingin mo ay tama…so ako ay magiging minority pero at the same time magiging constructive member tayo ng Sangguniang Panlungsod,”
Samantala, kanya rin nilinaw na bilang constructive member at majority leader, ipinangako nito na gagawin ang lahat ng makakaya basta sa ikakaginhawa ng mamamayan ng lungsod.
“For the sake of being a minority e hindi mo titingnan ang kagandahan nito so ang importante ay yung member parin ng Sangguniang Panlungsod, tingnan natin kung ano ang maganda sa mamamayan ng Puerto Princesa, ano ang advantageous sa City Government, at makakaasa kayo na gagawin ko kung ano ang nararapat [sa mamamayan] siyempre kung mayroon dapat pag-usapan pero dapat natin ipakita na tayo ay tumitingin din sa kung ano ang maganda na pwede pakinabangan nating mamamayan…para sa akin generally…magiging isang constructive member tayo not just for the sake of being minority.”
Discussion about this post