Sa ikatlong pagkakataon, hindi na naman sumipot ang GSMAXX Construction matapos ipatawag sa Regular na Session ng Sanggunian Panlungsod kahapon, Pebrero 15, 2021. Dahil dito, nag-desisyon ang mga konsehal na talakayin lamang ito sa Committee of the Whole.
Pero paglilinaw ng mga konsehal, nagpakita ta nakipagpulong sa kanila ang Presidente ng GSMAXX Construction nitong Lunes ng hapon.
“Actually after lunch matapos ang Session, dumating naman yung kanilang Presidente si Mr. Sioson at dumating naman and nagkaroon ng kaunting pagpupulong. Ipinaliwanag niya yung kanyang side at napagpasyahan doon na kinakailangan ay nandoon din yung mga taga City Engineering kaya ito ay na-irefer namin sa Committee of the Whole at inaasahan namin na darating na yung Presidente ng GSMAXX [Sammy James Sioson]. Paliwanag ni Konsehal Jimbo Maristela.
Dagdag pa ni Konsehal Maristela, ipinalawinag umano sa kanila ng Presidente ng GSMAXX Construction ang ilang dahilan kung bakit mabagal ang kanilang paggawa ng mga proyekto.
“Kasi meron siyang mga allegations na kaya nade-delay ang mga project dahil may mga pagkukulang din yung City Engineering so doon natin pag-uusapan yan.”
Discussion about this post