Dinala ng isang concerned citizen mula sa Barangay San Manuel, Balay Tuko Garden Inn, Puerto Princesa City, ang isang itlog ng Philippine Megapode (kilala sa lokal na tawag na Tabon Scrubfowl) at nasa pangangalaga na ng PCSDS.
Ayon sa salaysay ni Dalisay Mady Esperanza, ang indibidwal na nagturn-over ng itlog, natagpuan niya ito sa Calusa Island, Cagayancillo, Palawan noong ika-7 ng Hulyo. Dahil sa kakulangan nila ng kaalaman sa pangangalaga ng itlog, iminungkahi ng kanyang ina na ito’y isuko sa tamang awtoridad nang mas maaga.
Sinang-ayunan ng isang kakilala mula sa PCSDS na isailalim ito sa pangangalaga ng PCSDS sa lalong madaling panahon.
Sa kasalukuyan, ang Philippine Megapode ay nasa pangangalaga ng PCSDS.
Discussion about this post