ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home City News

Karagdagang fire trucks ng BFP-Puerto Princesa, tinalakay sa Konseho

Lance Factor by Lance Factor
February 3, 2026
in City News, Puerto Princesa City
Reading Time: 4 mins read
A A
0
Karagdagang fire trucks ng BFP-Puerto Princesa, tinalakay sa Konseho

Mga rumespondeng fire truck sa sunog sa Pamilihang Bayan

Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Muling tinalakay sa Sangguniang Panlungsod kahapon, Pebrero 2, ang pagkakaroon ng karagdagang fire trucks ng Bureau of Fire Protection–Puerto Princesa (BFP-PPC), kasunod ng mga naitalang insidente ng sunog kamakailan, kabilang ang nangyareng sunog sa Pamilihang Bayan sa Bonoan Road, Barangay Tagumpay.

Ayon kay Konsehal Elgin Damasco, kinakailangang dagdagan ang bilang ng mga fire truck na rumeresponde sa lungsod matapos makumpirma na iisa lamang ang BFP-owned fire truck na ginagamit sa Puerto Princesa na isang Highly Urbanized City (HUC).

RelatedPosts

Puerto Princesa extends assistance to 131 fire victims in old market

Puerto Princesa City Old Public Market, nasunog

Gob. Amy Alvarez sa mga empleyado ng nakaraang administrasyon na hindi pa rin nakakasahod: ‘I signed na everything’

Bagama’t kinumpirma ni Senior Fire Officer 2 Leonard Bryan Gacayan na iisa lamang ang fire truck na pagmamay-ari ng BFP, nilinaw niya naman na may iba pa silang hinahawakang mga unit sa lungsod na naka-deploy sa kanilang anim (6) na substations.

“Yung isa po ‘yun is BFP-owned pero may mina-man po kami na fire truck from local katulad sa CDR [CDRRMO] katulad sa substation. ‘Yung first responder po natin baka hindi nila napansin bombero po ‘yung nagma-man po nun ‘yung sa substation po natin,” saad ni SFO2 Gacayan.

“Iisa lang po ang BFP-owned pero meron po kaming mina-man from local,” dagdag pa niya.

Binanggit din ni Damasco na may nauna nang naisumiteng resolusyon sa konseho na humihiling sa pamahalaang nasyunal na dagdagan ang fire trucks ng BFP, kasunod ng malawakang sunog noong taong 2024 sa Barangay Bagong Silang at Barangay Pagkakaisa kung saan tinatayang mahigit 200 kabahayan ang natupok ng apoy.

“Kung maalala po ninyo ‘yung sunog sa Quito nag-pass na po tayo ng resolution dito sa Sangguniang Panlungsod asking the DILG Secretary [Jonvic Remulla] na dagdagan naman ‘yung kanilang fire truck. Kasi kung hindi pa bumili ang city government ng mga fire truck after nang nangyare sa Quito, Mr. Presiding Officer, hindi lang ganiyan ang mangyayare sa ating palengke baka mas malawak pa,” saad ni Damasco.

Ayon pa sa konsehal, nararapat lamang sa isang lungsod na tinaguriang HUC ang pagkakaroon ng sapat na bilang ng fire trucks upang agad na makaresponde sa malalaking insidente ng sunog. Kaya naman muli itong nanawagan sa nasyunal at sa pamunuan ng BFP na tugunan ang kakulangan ng fire trucks sa Puerto Princesa.

Nang tanungin naman kung ilang fire trucks ang kinakailangan ng BFP-PPC, sinabi ni SFO2 Gacayan na lima o higit pang unit ang kailangan upang matiyak ang mabilis na responde, dahil sa lawak ng lungsod at dami ng populasyon nito.

Ayon naman kay Damasco, batay sa pamantayang itinakda noon ng Department of the Interior and Local Government (DILG), dapat ay may isang fire truck sa bawat 28,000 populasyon. Dahil tinatayang nasa humigit-kumulang 300,000 ang populasyon ng Puerto Princesa, nararapat umano itong magkaroon ng hindi bababa sa sampung fire trucks.

HIWALAY NA NUMERO PARA SA SUNOG

Naging isyu kamakailan lang ang umano’y pahirapan na pagtawag sa numero ng BFP noong magkaroon ng sunog sa Barangay Bagong Sikat noong Enero 27 kung saan inireklamo ng ilang mga biktima ng nasunogan na umano’y nahirapan silang tawagan ang dalawang numero ng BFP upang agad na ma-report ang nangyayareng sunog.

Nilinaw ni SFO2 Gacayan na ang mga numerong tinatawagan noon ng ilang residente ay “inactive” na at hindi na opisyal na ginagamit ng BFP. Ipinaliwanag niya rin na nagpalit na sila ng hotline noong nakaraang taon at ipinaalam ito sa publiko sa pamamagitan ng kanilang opisyal na Facebook page, gayundin sa mga seminar at inspeksiyong isinasagawa ng kanilang istasyon.

Dagdag pa niya, maaari ring tumawag ang publiko sa National Emergency Hotline na 911, na direktang nakikipag-ugnayan sa kanila. Nakapaskil din umano ang bagong hotline number ng BFP sa mga tanggapan tulad ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO).

Samantala, hiniling naman ni Konsehal Herbert “Bong” Dilig sa BFP-PPC na magkaroon ng isang hiwalay at eksklusibong numero para lamang sa mga insidente ng sunog.

Narito ang bagong hotline number ng BFP–Puerto Princesa na maaaring tawagan sakaling may insidente ng sunog: 09649452971
Tags: Bureau of Fire Protection Puerto Princesafire truck
Share2Tweet2
ADVERTISEMENT
Previous Post

Puerto Princesa extends assistance to 131 fire victims in old market

Next Post

Why do commuters prefer motortaxis?

Lance Factor

Lance Factor

Related Posts

Puerto Princesa extends assistance to 131 fire victims in old market
City News

Puerto Princesa extends assistance to 131 fire victims in old market

February 3, 2026
Puerto Princesa City Old Public Market, nasunog
City News

Puerto Princesa City Old Public Market, nasunog

January 29, 2026
Gob. Amy Alvarez sa mga empleyado ng nakaraang administrasyon na hindi pa rin nakakasahod: ‘I signed na everything’
City News

Gob. Amy Alvarez sa mga empleyado ng nakaraang administrasyon na hindi pa rin nakakasahod: ‘I signed na everything’

January 28, 2026
Mayor Bayron greenlights ₱6,000 quarterly allowance for Puerto Princesa law enforcers
City News

Mayor Bayron greenlights ₱6,000 quarterly allowance for Puerto Princesa law enforcers

January 28, 2026
Jomari Poultry Farm
Puerto Princesa City

Poultry farm sa Brgy. Bacungan, pansamantalang ipinatigil ang operasyon

January 24, 2026
Pagpapahaba ng runway ng Puerto Princesa International Airport, suportado ng manager ng CAAP Area IV
City News

Pagpapahaba ng runway ng Puerto Princesa International Airport, suportado ng manager ng CAAP Area IV

January 23, 2026
Next Post
Why do commuters prefer motortaxis?

Why do commuters prefer motortaxis?

Latest News

Why do commuters prefer motortaxis?

Why do commuters prefer motortaxis?

February 5, 2026
Karagdagang fire trucks ng BFP-Puerto Princesa, tinalakay sa Konseho

Karagdagang fire trucks ng BFP-Puerto Princesa, tinalakay sa Konseho

February 3, 2026
Puerto Princesa extends assistance to 131 fire victims in old market

Puerto Princesa extends assistance to 131 fire victims in old market

February 3, 2026
City ENRO spearheads mangroves planting during World Wetlands Day

City ENRO spearheads mangroves planting during World Wetlands Day

February 3, 2026
Puerto Princesa, nakapagtala ng sunod-sunod na pagbisita ng cruise ships nitong buwan ng Enero

Puerto Princesa, nakapagtala ng sunod-sunod na pagbisita ng cruise ships nitong buwan ng Enero

February 3, 2026

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15231 shares
    Share 6092 Tweet 3808
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11661 shares
    Share 4664 Tweet 2915
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10297 shares
    Share 4119 Tweet 2574
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    9908 shares
    Share 3963 Tweet 2477
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9730 shares
    Share 3892 Tweet 2432
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us

No Result
View All Result
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing