Hindi naniniwala si Konsehal Elgin Damasco na ang Office of the City Mayor ang may problema sa pamimigay ng ayuda bagkus ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang may kakulangan.
Ayon sa kanya hanggang ngayon ay hindi pa rin matapos-tapos ang listahan mula sa CSWDO kung kaya’t ang kanyang opisina na ang gumawa ng hakbang kung saan kinuha nila sa mga barangay ang listahan para maumpisan na ang pamimigay ng ayuda.
“Sa tingin ko yun ang naging problema ng Office of the City Mayor yong listahan ng mabibigyan ng ayuda. Kaya alam ko kung ano naging problema. Ang DSWD ay nagbase lamang sa listahan ng CSWD. Marami na pong barangay ang napuntahan namin. Maraming listahan ang CSWD pero maraming kulang. Marami dapat ang mabigyan ang hindi mabibigyan sa ngayon dahil hindi nailagay sa listahan,” ani Damasco.
Kaugnay niyan may mga kabahayan ang totally-damaged ang kabahayan na umiiyak dahil wala sila sa listahan kaya naman hinikayat nito ang mga kasamahan sa konseho na tingnan kung ano ang problema. Maari umanong kulang sa tao ang CSWDO kung bakit ganun na lamang ang bagal nito.
“Tingnan natin ang kapasidad ng CSWD. Papaano nila nilista? Papaano nila sinala? Kaya hindi pwedeng sisihin ang City Government at ang naging desisyon ni Mayor Lucilo Bayron,” dagdag pa ni Damasco.
Discussion about this post