Pinasisibak na ni Puerto Princesa City Mayor Lucilo Bayron ang dalawang traffic enforcers na nabidyuhang nangotong sa nahuling traffic violator.
Makikita sa Facebook page ni City Information Officer Richard Ligad, tinawagan niya si Engr Jonathan Magay ang program manager ng City Traffic Management Office kung saan sinabi niya na batay sa order ni Bayron ay tanggalin na ito.
Sumagot naman si Magay at sinabing na-set up lamang ang kaniyang mga tauhan subalit sinabi ni Ligad na kahit naset-up sila tumanggap naman sila ng pera kaya dapat tanggalin na.
Kinumpirma naman ni Magay sa Palawan Daily News na tinawagan siya ni Ligad para ipaabot ang utos ni Bayron.
Ayon kay Magay, susundin niya ang kautusan ng Mayor Bayron subalit kailangan rin na mabigyan ng pagkakataon na magpaliwanag ang dalawa bago tuluyang sibakin.
Matatandaang ngayong hapon ay sinuspende na ni Magay ang mga traffic enforcer habang gumugulong ang imbestigasyon.
Discussion about this post