Nagmaoy at may dalang itak ang isang lalaki na napag-alaman na ito ay lasing sa Brgy. Maunlad sa Puerto Princesa kagabi.
Dahil sa nagsisigaw na ito ay humingi na ng tulong ang residente sa awtoridad upang mahuli at makuha ang patalim na hawak nito.
Ayon sa lalaki, kinunuha niya ang susi ng motor sa asawa niya ngunit ayaw ibigay sa kanya dahilan upang magalit siya.
Nakiusap naman ang City Anti Crime Task Force sa lasing na lalaki na ibaba ang hawak nitong patalim kalaunan ay naaresto rin ito.
Nae-turn over na sa Police Station 1 ang lalaki para sa tamang desposisyon.
Discussion about this post