Tumilapon ang motorsiklo sa isang bahay kagabi, Oktubre 9, sa Barangay Sicsican, lungsod ng Puerto Princesa matapos umanong makipagkarerahan nang lulong sa alak ang drayber.
Isang concerned citizen ang nagpaabot ng mensahe sa Anti Crime Task Force na may mga lasing na nagkakarerahan sa Brgy. Sicsican kagabi.
Aniya, pumaloob umano sa isang bahay ang motorsiklo na isang Mio Aerox 155 na agad namang pinuntahan ng mga awtoridad at kinumpirma ang nasabing insidente. Wasak ang bahaging pader nang nasabing bahay dahil sa pagsalpok ng motorskilo.
Samantala, wala namang napaulat na malubhang nasugatan sa nasabing insidente. Iniimbistigahan na rin ng mga awtoridad ang motoristang nakipagkarerahan.
Discussion about this post