Maraming mga drivers at operators ang nagrereklamo kaugnay sa loading and unloading signages sa Puerto Princesa. Nais ng mga ito na magkaroon ng tamang paglalagyan dahil madalas silang nahuhuli ng Traffic Enforcers dahil umano sa maling pagpapababa at pagsakay sa mga pasahero. Maliban diyan, isinusulong din nila ang umento sa pamasahe.
Sa presentasyon ni Konsehal Nesario Awat na siyang Chairman ng Committee on Transportation nitong Lunes ika-18 ng Hulyo sa 17th Sangguniang Panlungsod, isang resolusyon ang ipinasa ng Federation of Tricycle Operators and Drivers Association of Puerto Princesa City na naghihiling na matugunan ang kanilang hinaing na magkaroon ng designated loading and unloading signages upang sa ganun ay hindi sila nahuhuli.
Hinihiling rin ng grupo sa pamamagitan ng City Franchising and Regulatory Board (CTFRB) na taasan ang pamasahe sa mga tricycle na bumabyahe sa iba’t-ibang ruta sa lungsod.
Sa pamamagitan ng Resolution No. 01 series of 2022, hiniling ng FTODA ang karagdagang P2 sa minimum fare at P0.25 dagdag kada kilometro.
Sa panayam ng news team sa isang commuter na si Patricia Olano, wala umanong masama sa dagdag pamasahe dahil mataas na rin ang petrolyo, ngunit sana umano ay magkaroon ng tamang singil sa pamasahe at ganun narin sa babaan dahil umano ang layo ng kanyang nilalakad bago sa makarating sa kanyang pupuntahan.
Kaya naman tatlong resolusyon ang pinanukala ni Konsehal Awat, una ay Resolution Earnestly Requesting the Land Transportation Franchising and Regulatory Board, City Planning and City Development Office, Land Transportation Office, Cooperative Development Authority and other concerned agencies and offices to hold a public dialog with the transport cooperative in Puerto Princesa.
Pangalawang resolution, A Resolution Earnestly Requesting the Land Transportation Franchising and Regulatory Board to create a Regional Satellite Office in Puerto Princesa.
Sa pangatlong resolution nito, A Resolution Earnestly Requesting the City Traffic Management Office to Identify, Designate and Install Signages of Loading and Unloading in City Proper for Loading and Unloading Purposes of Public Utility Vehicles in PPC.
Kaugnay nyan, sinabi naman ni Konsehal Elgin Robert Damasco na meron ng batas na inaprobahan si dating pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon o mag-establish na ng LTFRB Office dito sa lungsod ng Puerto Princesa na Republic Act 11790 or an Act Establishing and Extension office of the Regional Land Transportation Franchising and Regulatory Board in Puerto Princesa City Province of Palawan sa pamamagitan ni dating Congressman 3rd District Gil Acosta Jr. na permado ni Pangulong Duterte noong Mayo 29.
Discussion about this post