Posible umanong matuloy ang Love Affair with Nature na taunan na umanong ginagawa ng Pamahalaang Panlungsod tuwing araw ng mga puso.
Ayon kay City Administrator Arnel Pedrosa, kung sakaling matuloy ang aktibidad ay limitado lamang ang puwedeng dumalo dahil narin sa pinapairal na health protocols dulot ng COVID-19.
“Ang huling information ko ay ni-reduce or micro capacity lang siguro yung magiging activity nung Love Affair with Nature. Pero siguro sa kabuuan information ay pupuwede na tayo mag-update kay Atty. Carlo Gomez yung atin City ENRO. “
Dagdag pa ni Atty. Pedrosa, na hindi na tulad ng dati na maramihan at kailangan umano masiguro na sinusunod ang health protocols.
“Kung ma-insure lang noh? Yung safety observance ng ating safety protocols tiyaka yung physical distancing ay siguro safe naman yan. Pero di na gaya ng dati at talaga magkakaroon na ng reduction doon sa capacity o kaya doon sa number of participants jan sa love affair with nature.”
Highlight ng taunang aktibidad ang pagtatanim ng mangrove at mass wedding.
Discussion about this post