Inaasahang ganap na mabibigyang solusyon ang ilang mga isyung ipinarating ng bumubuo ng El Nido Pumpboat Owners and Operators sa Sangguniang Panlalawigan ng Palawan.
Ang El Nido Pumpboat Owners & Operators Association (ENPOOA) na pinangunahan ng kanilang Presidente na si Elizabeth B. Panganiban ay nakipagtalakayan sa ipinatawag na pagpupulong ng Committee on Public Works, Transportation and Communications.
Dumalo naman sa panig ng Maritime Industry Authority (MARINA) si Engr. Nelson Sobrevega ang kasalukuyang Officer-in-charge ng ahensiya sa Palawan.
Sa naturang pulong ay mawakang pinag- usapan nang ilang mga isyung inilatag ng ENPOOA hinggil sa ilang hindi malinaw na regulasyong ipinapatupad ng MARINA.
Bukod pa sa isyung mabagal na paglilisensya at pagpoproseso ng papeles na nagdudulot ng abala at pag-antala sa kabuhayan ng mga taga-ENPOOA, at iba pang may kahalintulad na pinagkakakitaang kabuhayan.
Dahil sa hindi gasinong nagkaroon ng tamang disposisyon ang komite, inaasahang dadalo sa susunod na pagpupulong ang mga kinatawan mula sa Philippine Coast Guard at MARINA Regional Office-Mimaropa upang mapag-usapan pa nang mas maigi ang mga epektibong solusyon na makakalutas sa problemang nararanasan ng nabanggit na grupo.
Source: PIO Palawan
Discussion about this post