PUERTO PRINCESA CITY — Naglabas ng kanyang saloobin si Konsehal Jimbo Maristela patungkol sa kanyang pagbitiw bilang miyembro ng mayorya ng Sangguniang Panlungsod.
Ayon sa konsehal, hindi niya nagugustuhan ang nagiging desisyon ng kanyang mga kasama sa pag/aproba ng mga resolusyong inihahain sa Sangguniang Panlungsod kung saan sa kabila ng kanyang mga suhestyon para sa maitama abg mga proseso at tila nababaliwala pa rin ito, isa na umano rito ang ginawang agarang pag aproba ng Sanggunian sa kahilingan ni Mayor Lucillo Bayron na bigyan ito ng kapangyarihan sa pagpapatitulo sa isang libong ektaryang lupain sa Brgy. Buenavista, Puerto Princesa bagay na dapat sanay dumaan muna sa tamang proseso tulad ng Public Consultation. Sa laki umano kasi ng lupaing ito ay maaring may mga claimant ang mg lupang ito.
Kaugnay nito, sinabi rin ni Maristela na ang kanyang ginawang aksyon na ito ay walang kinalaman sa papalapit na eleksyon upang bumango ang kanyang pangalan bagkus ay upang mailagay lamang sa tama ang mga nakikita nitong kamalian.
Samantala, wala namang pagtutol sa pagbitaw na ito ni Maristela ang mga kapwa konsehal.
Ayon pa kay Maristela, hindi nito ginagawa ang pag-iingay na ito para lamang sa nalalapit na eleksyon dahil kung tutuusin ay mas magiging madali na manalo ito kung ito ay nasa hanay ng “kuridas team” tulad noong nagdaang halalan.
Ayon pa sa kanya, napatunayan na rin umano nito ang katapatan kay Mayor Lucillo Bayron simula pa noong mga nagdaang halalan matapos na tumayo ito ng nag iisa laban sa lahat ng konsehal na hindi suportado ang kasalukuyang alkalde.
Kaugnay nito, mananatili naman umanong susuporta si Maristela sa lahat ng mga proyektong isinusulong ng Pamahalaang Panlungsod ngunit magsisilbi itong kritiko ng mga panukala upang dumaan sa tamang proseso para narin sa kapakanan ng taong bayan.
Discussion about this post