Makikipag-ugnayan ang pamunuan ng Puerto Princesa City Public Market sa mga opisyal ng mga kalapit barangay ng Irawan upang tulungan sila na ipaabot sa mga mamamayan na bukas na ang bagsakan at puwede na silang mamalengke sa lugar.
“Mag-iimbita tayo ng mga karatig barangay. Most probably Sta. Lucia, Montible, Iwahig as far as Inagawan-Sub at saka Sicsacan at sta. Lourdes. Para imbitahin yung mga Barangay Officials, para ipaalam sa kanilang mga constituents na mayroong palengke dito na pansamantalang gagamitin habang ginagawa. Dahil ‘pag may-information na ganun imbes pupunta pa sila sa bayan na napakalayo dito na lang sila pupunta at mamamalengke,” pahayag ni Joseph Vincent Carpio, Puerto Princesa City Market Superintendent.
Ibinida rin ni Carpio ang magandang kita ng mga naunang lumipat na mga manininda sa Agricultural Center, Barangay Irawan at ito umano ay magandang senyales para mas makilala ang lugar.
“Yung ang sinasabi na ‘hindi mo malalaman, hanggat hindi mo sinusubukan’ mahirap yung nauuna ka na samantalang dito presko eh sa ngayon alam naman natin ang sitwasyon ngayon ‘diba? Ang kaso ng COVID ngayon ay nag-spike dito sa ating [Barangay] San Jose Market, so palagay ko isang konsiderasyon yun na para makaiwas ka [sa virus] dito ka na lang,”
Positibo rin ang pananaw ni Dorna Cadja, manininda na nakapuwesto rin sa lugar at Board of Director ng New Public Market na magiging maganda ang kanilang sitwasyon dito at patuloy ang pagpunta ng mga mamimili sa pinaglipatan nilang lugar.
“Awa naman ng Diyos po [maganda ang aking kita] yun talaga ang pangarap ko na magkaroon ng magandang tindahan dito. Sa ngayon ang puwesto namin ‘sagol-sagol’ pa. Hindi pa po nagpapagawa ng papag (lamesa) na uniform ang size at taas para maganda po tingnan. Marami-rami na rin po kami na nagtitinda. Sa akin po maganda naman ang kita dito,”
Para naman kay Angie na taga-Barangay San Jose, mas maganda na inilipat ang mga ito sa Barangay Irawan upang maiwasan ang pagdagsa ng tao sa isang lugar lalo na sa palengke.
“Mas maganda ito sa mga residente malapit sa Barangay Irawan na doon na ang bagsakan para hindi na sila pupunta pa sa [San Jose], mas ok dahil madi-divide ang tao.”
Discussion about this post