‘Utak lata,’ ganito inilarawan ni Puerto Princesa City Information Officer Richard Ligad ang mga taong hindi naniniwala sa mga naitatalang positibong kaso ng COVID-19 sa lungsod. Hinamon din nito ang mga ito na tumulong sa mga naka-quarantine habang hindi nakasuot ng Personal Protective Equipment (PPE).
“Ang nagsasabi na gawa-gawa yang [kaso ng COVID sa lungsod ay] mga utak lata ng sardinas. Kasi kung gawa-gawa ang COVID eh di pumunta siya doon sa COVID facility sa skylight, kailangan namin ng buhay na volunteer na talagang hindi na magsusuot ng PPE na mag-aayos doon, maglilinis punta siya doon para malaman ang gawa-gawa na sinasabi niya,
”Dagdag pa ni Ligad, hindi kikita o magkakapera ang lungsod kapag tumaas ang kaso ng COVID-19. Paglilinaw pa nito, ang paghihigpit sa pagpapatupad ng health at safety protocols ay para sa kapakanan ng lahat at upang mapigilan ang pagkalat ng virus.
“Tinitingnang angulo ko, saan tayo lilikom ng maraming pera, wala naman tayo mapagkunan ng maraming pera eh ganitong mayroong problema. Ito ay upang hindi kumalat ang virus kasi kung open lahat ng painuman, iinom ako sa isang painuman, sa isang bar darami ‘diba yung basong i-serve sa akin, kutsara na gagamitin ko, sa CR o kung saan hindi maiiwasan kaya nili-limit natin [ang paglabas ng tao]. Sa kanya-kanyang mga bahay muna tayo uminom para hindi kumalat kung meron man may COVID, dahil nagpapatuloy ang contact tracing.
”Ayon naman kay Mich ng Barangay Sicsican, wala umano siyang makitang dahilan para lokohin ng mga nasa pamahalaan ang taong bayan ngayong panahon ng pandemya.
“Naniniwala ako sa COVID-19, kasi nagkakahawaan na nga dito at ano naman ang intensiyon ng gobyerno para mag gawa-gawa na may COVID? saka ka pa ba maniniwala kapag natablan kana ng COVID?
”Iba naman ang sagot ni Jack, residente rin sa Barangay Sicsican, na ang kaso ng COVID ay walang katotohanan at saka na lang umano siya maniniwala kapag nagka-COVID na siya.
“Wala namang COVID dito eh, siyempre pondo yan kapag may COVID. Saka na lang ako maniwala kapag nagkasakit na ako.”
Discussion about this post