Nagsagawa kamakailan ang Palawan Mobile Force (PMFC) R-PSB/RCSP ng dalawang araw na Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) training sa mga tanod, barangay health workers, at maging mga lider ng bawat purok sa bayan ng El Nido, Palawan noong Nobyembre 10-11.
Pinangunahan ito ni Police Leutenant Joey D. Peña, Platoon Leader, sa pakikipagtulongan ng mga opisyal ng Barangay Teneguiban, El Nido.
Nagsimula ang aktibidad sa isang seremonya at isinunod ang BPAT orientation at mga lecture patungkol sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Warrantless Arrest and Anti-Terrorism Law, Basic Patrol Operation; Disaster Relief and Rescue Operation; First Responders and Crime Scene Prevention; Arrest and Disarming Technique, Basic Handcuffing techniques, Offenses and Defense Striking using Arnis and Disarming.
Layunin ng aktibidad na ito na palakasin ang kooperasyon at partisipasyon ng komunidad sa pagpapanatili ng kaayusan laban sa krimen, terorismo, at rebelyon.
Discussion about this post