Pinag-aaralan ngayon ng Committee on Transporation ng Puerto Princesa City Council ang posibilidad na gumamit din ng ride-hailing application ang mga tricycle sa lungsod.
“Maganda ito iapply sa tricycle, nakapulot tayo ng magandang idea. Maganda ito dapat pag aralan ng Committee na ito sa mga susunod na panahon.”
Lumabas ang usapin nang talakayin ng Committee on Transportation ang legalidad ng operasyon ng Backride Palawan na gumagamit ng app para sa kanilang mga driver.
Para naman kay Konsehal Jimbo Maristela, Chairman of the Committee on Transporation, maganda din umano itong magamit para sa mga sasakyan na pag mamay-ari ng lungsod.
“Same thing din siguro no kay sir Richard [CIO] mamo-monitor din natin kung may application din tayo doon sa mga Anti-Crime mobile pati yung mga truck ng City yung sasakyan ng City, mamo-monitor natin kung nasaan sila.”
Ayon kay Lukas Nazon isang tricycle driver sa lungsod, wala umano problema basta maayos ang pagpapatupad. Pero kung siya ang tatanungin mas gusto niya pa rin ang taripa.
“Eh kung maganda ang panukula at tiyaka depende naman yan sa TODA Federation kung papayag sila na ganun eh. Pero kung sa akin iba pa rin mag biyahe ka lang ng walang metro, mas gusto ko pa rin yung normal yung taripa kasi dagdag bayarin na naman yan ng kaming may-ari ng operator, babayaran mo na naman yan yung metro na yan. Ang tanong ilang buwan o taon lang ang itatagal masisira din yan.”
Para naman sa isang mananakay na si Joanne Cañete, payag umano siya kung sakaling gagamit na rin ng application ang mga tricycle.
“Ay oo payag ako kasi ‘diba para patas ang pagsingil at hindi kami napepresyuhan ng mataas. Kaya kung matuloy man yan ay sangayon ako.”
Discussion about this post