Posible sa susunod na na linggo magpipirmahan ng memorandum of understanding ang Puerto Princesa City Water District at ang Bureau of Corrections kaugnay sa proyekto ng water district sa Montible at Lapu-Lapu Rivers.
Ayon kay PPCWD General Manager Antonio Jesus Romasanta, nagkasundo sila ng Bucor na kanila itong gagamitin sa loob ng 25 taon kapalit ng kaunting mga obligasyon.
Ibinunyag rin ni Romasanta na wala na ring magiging problema sa kanilang hinihinging Strategic Environmental Plan Certificate dahil nasa mesa na raw ito ni Governor Jose Chavez Alvarez.
Agad namang uumpisahan ang proyekto na popondohan ng milyon-milyong piso kapag nakuha na nila ang SEP clearance.
Ang proyekto sa Montible at Lapu-Lapu Rivers ay siyang nakikitang sulosyon sa water crisis na nararanasan ng syudad tuwing panahon ng tag-init.
Discussion about this post