Simula ngayong araw, Nobyembre 13, 2020, ay ipapatupad na ang pagbabago ng curfew hours sa lungsod ng Puerto Princesa.
Ayon kay Richard Ligad City Information Officer, Lunes hanggang Huwebes ay mananatiling 12 ng hating gabi hanggang 5 ng umaga ang curfew hours, habang sa mga araw ng Biyernes hanggang Linggo ay 2 hanggang 5 ng umaga ang curfew hours.
“Mayroon po tayo ngayon na pagbabago sa curfew at una nang na-anounce ng ating Alkalde– Friday, Saturday at Sunday ay 2am; pagdating naman ng Monday to Thursday ay babalik ulit sa alas 12 ng gabi,” ani Ligad.
Layunin umano nito na makabawi ang mga panggabing establisyemento at negosyo dulot ng pandemyang kinakaharap dahil sa COVID-19.
“Unang-una, ‘yong mga establisyemento [na] pang gabi, talagang marami silang mga empleyadong nasasaktan na rin dahil nga sa pandemya,” dagdag pa ni Ligad.
Samantala nilinaw din ni Ligad na naka-depende pa rin sa sitwasyon ng COVID-19 sa lungsod kung magkakaroon ng pagbabago sa curfew hours.
“Depende rin sa nakikita ng local IATF (Inter-Agency Task Force) — pag nakita nila na medyo kailangang higpitan ay hihigpit muli,” saad ni Ligad.
Discussion about this post