Sapol sa CCTV ang isang lalaki matapos nito mangtangay ng motor sa Bgy. San Pedro upang manakawan ng plate number.
Sa litrato, makikitang isang motor na nakapark sa gilid ng kalsada at isang lalaking palakad-lakad sa kahabaan ng Libis Road, Bgy San Pedro.
Sa unang pagkakataon na dumaan ang suspek ay patingin-tingin ito sa palibot habang pasimpleng lumalakad. Ilang beses pang bumalik balik ang suspek para makumpirmang walang tao sa paligid.
“Kung mapapansin natin ilang beses pabalik balik yung lalake. Siguro mga 15minuto pa nag masid ito bago pasimpleng tinulak ang motor,” saad ni Marlon Arias, Chief Tanod ng Bgy. San Pedro.
Dahil sa naiwan ang susi ng motorsiklo ay agad itong sinakyan ng suspek at sinubukang paandarin ang motorsiklo ngunit hindi ito umandar.
Dahil dito ay tinulak na lamang palayo ng suspek ang motor at tuluyan na itong natangay. Kinaumagahan ay isang impormasyon ang pinarating sa mga Barangay Tanod ng San Pedro na may nakitang abandonadong motor sa San Jose.
Ayon sa chief tanod ay maaring ang may gawa ng pagtangay ng motor ay isa sa mga grupong nangunguha ng plaka upang gamitin sa kanilang mga modus.
“Nakakapagtaka rin kasi, bakit iniwan na lang ang motor sa crossing papuntang white house, ito rin siguro yung grupo na kukunin ang plate number ng motor tapos ilalagay sa motor nila.
Gagamitin sa modus nila,” saad ng chief tanod. Samantalang, nabawi na rin ng may ari ang motor na tinangay ng suspek.
Discussion about this post