Huli sa buy-bust operation ang isang high-value target na kinilalang si Michael Angelo Suelo, isang nurse sa WESCOM Hospital pasado 7:30 P.M. sa harap ng isang hotel sa Barangay Tiniguiban.
Saad ni Police Senior Inspector Noel Manalo ng Puerto Princesa City Police Drug Enforcement Unit (PPCPO-DEU) madaling nahuli si Suelo dahil nakaposisyon na ang kapulisan paikot sa kanya at nung nagkaabutan na agad na nilang hinuli ang suspek.
“Nabilihan natin itong si Suelo sa pamamagitan ng ating asset, nung magkaabutan na, hinuli na agad natin itong suspek dahil nakaabang na ang tropa sa paikot kaya madali nating nakuha,” ani ni Manalo. Nakompiska sakanya ang P2,000 marked money, anim na paketeng pinaghihinilaang shabu at iba’t ibang drug paraphernalia sa kanyang motorsiklo.
Kasunod nito nahuli naman si Alma Maran, sa Purok Manahimik, Barangay Santa Lourdes pasado 9:00 P.M. at nakauha sa kanya ang isang paketeng pinaghihinalaang shabu at marked money. Si Maran ay dating na sumuko sa kanilang barangay at kabilang din sa street-level target ng PNP.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Discussion about this post