Ibinahagi ni Incident Management Team Chief Dr Dean Palanca na pinagkalooban sila ng Puerto Princesa City ng P50 milyong budget para sa gastusin sa quarantine ng mga Persons Under Investigation (PUI), COVID Patients, COVID Suspect, at Returning Overseas Filipino (ROF) at kung saan nila ilalaan ang pondong natanggap para sa taong 2021.
“Actually ‘yung budget natin ngayon sa ating quarantine eh nasa P50 million kaagad ‘yun. Pero gagamitin natin ‘yun sa quarantine ng ating PUI facilities yang Skylight Hotel ‘yung ating mga andiyan. Pati ‘yung mga COVID Patient [at] mga Covid Suspect… tapos may quarantine facility rin kami para sa ROF natin na designated na siya doon.”
Dagdag pa niya na ginagamit nila ang Skylight Convention bilang COVID-19 verifying and testing facility.
“[Sa] Skylight Convention diyan tayo nagve-verify at saka diyan tayo nagte-test ng mga COVID suspect diyan din natin tinetest yung mga after mag 7 days na lang na quarantine… araw-araw din tayong nagte-test do’n sa Skylight Convention at may budget ‘yun for the full year na.”
Aniya pili na lang ang mga hotel na ginagamit bilang mga quarantine facility at hindi mauubos ang pondong inilaan sa mga ito kaya’t ididirekta ito pandagdag sa target na P500M na nililikom pambili ng bakuna kontra COVID-19.
“So nakikita namin na hanggang end ng year po [ay] hindi aabot ng 50 Million [pesos] sa katapusan ng taon na ‘to ‘no, hindi talaga.”
“Plus, kusa na rin ‘yung way na medyo nagtitipid tayo ngayon kasi nga tayo’y naglalaan ng budget para sa vaccination ng mga residente ng Puerto na maging immune [sa COVID-19]… nasa P400 to P500 million ‘yung kailangang ibudget para sa 60-70% na population ng Puerto Princesa [City na mabakunahan].”
Samantala pinaalalahanan niya ang lahat na mag-ingat pa rin dahil naglalaan ng pondo ang lokal na gobyerno upang makabili ng COVID-19 Vaccine.
“Nakikita naming may budget tayo pero hindi natin sabi na pakasawa tayo na lahat ng ica-cater natin gano’n eh ‘no… So sana hanggang sa 2021 ay patuloy tayong nag-iingat sa ating sarili at suportahan natin kung ano po ‘yung pinaiiral [na batas] ng ating pamahalaang lokal dito sa Puerto Princesa laban sa COVID virus.”
Discussion about this post