Idineklarang persona non grata ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan ang Executive Director ng Palawan NGO Network Inc. (PNNI) na si Atty Robert ‘Bobby’ Chan dahil sa isang fund raising video nito.
Ayon sa pangunahing may akda ng resolusyon na si 3rd District Board Member Albert Rama, pinagbasehan nito ang isang liham mula sa isang residente ng Puerto Princesa sa pabuo at pagpasa ng resulosyon.
“Nagulat din kami. Hindi rin naming alam na may video pala na ganiyan kung hindi sumulat sa amin si Sir Homer Capinig na taga Puerto. Nakita niya yung video at hindi niya rin nagustuhan yung mga laman ng video kaya sumulat siya sa amin. Tinawag yung aming pansin, natanggap namin yung letter niya mga November na eh. Nag-usap-usap na kami [mga Provincial Board Members at] yung resolusyon dapat mga December pa namin ipa-pass yan…”
Inihayag naman ni Homer Capinig na ang rason umano sa likod ng paggawa niya ng sulat sa mga lokal na mambabatas sa lalawigan ay upang ipaalam ang kanyang nararamdaman sa mga sinabi ng Executive Director ng PNNI.
“Nakita ko po [at] pinanood ko yan. Masama po yan sa loob ko [yung video ni Atty. Chan]. Hindi lang ang gobyerno ang nagsasakripisyo sa pangangalaga ng kalikasan. Yung sinasabing ‘terribly mismanaged [at] neglected…yung seemingly promoting illegal fishing [at] illegal logging ang Palawan’ eh para sa akin po wala yang katotohanan…Palaweño ang nagpaupo sa mga pulitiko sa kapitolyo…tapos sisiraan ng ganiyan na walang ebidensiya. Mabuti sana kung may ebidensiya… Abogado pa siya dapat mas alam niya yun,” pahayag ni Capinig.
Sa panayam ng Palawan Daily News kay Atty. Robert ‘Bobby’Chan ay tahasan nitong sinabi na hindi naging patas ang Sangguniang Panlalawigan sa pagbibigay agad ng hatol.
“Ako ay pinalaki na sumasaklaw sa batas at ang alam ko bago ka makagawa ng resolution o isang hatol ay kailangan may due process diyan. Nasaan ang due process? Binansagan na nila at hinatulan na nila ako ng persona non grata,”ani Atty. Chan.
Sinuportahan naman ni Cynthia Sumagaysay Del Rosario, isa sa mga Co-conveners ng Save Palawan Movement, ang pahayag ni Atty. Chan sa tinutukoy na video at mas marami pa nga aniya nagawa ito sa pangangalaga sa kalikasan sa lalawigan.
“Yung ginawa nilang resolution sa Provincial Board [ay] dapat binigyan nila ng due process, ng pagkakataon na mapakinggan itong si Attorney Bobby Chan nang pinatawag nila hindi yung nagkaroon sila ng proseso doon na dineklare nila na [at] sila sila lang ang nagdeklara ng persona non grata. Walang due process na nangyari. Hindi tinawag si Attorney Bobby Chan para mapakinggan.”
Sa nasabing video, ihinayag ni Atty. Bobby Chan ang pagkadismaya sa pamamayagpag umano ng iligal na gawain sa Palawan.
“…our province is terribly mismanaged and neglected. Illegal logging, illegal fishing and even mining is seemingly promoted to give in to big business. In response, we’ve formed a group of para-enforcers whose main function is to enforce environment laws to catch the chainsaws, to confiscate dynamite boats, and even to impound mining equipment’s.”
“And we have been successful so far but we need your support and your help to continue these good work. All donations we receive will go into food and fuel to allow our forest patrols and seaborn operations. It will also go to the next generation of para-enforcers…” saad nito sa kontrobersyal na video.
Samantala sa naging tugon ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) sa kanilang social media account na inilabas noong November 27, 2020. Wala umanong katotohanan ang mga naging paratang ni Atty. Chan sa pinag-uusapang video.
“We are deeply offended and appalled by these malicious statements patently aimed to discredit and tarnish the reputation of not only PCSD but the whole system of government in the Province of Palawan.
Atty. Chan has not only disrespected the leadership of the Province of Palawan, including PCSD, but he, most abhorrently, insulted environmental law enforcers who literally risk life and limbs just to ensure that the laws under their agencies’ mandates are properly and effectively implemented.” Saad sa post ng PCSD.
Discussion about this post